“Boring” pa rin ang tingin ng ECHO jungler na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno sa umiiral na tank build sa signature hero niyang Lancelot sa gumugulong na MPL Philippines Season 11.

Kahit pa malaki ang ginampanan ng Tankcelot sa kanilang arangkada kontra Blacklist International sa Week 5, nanindigan ang pro sa kaniyang pananaw.


Bakit ‘boring’ pa rin ang Tankcelot ayon kay KarlTzy

Credit: MPL Philippines

Sa press conference matapos ang 2-1 tagumpay kontra sa defending MPL PH champions, inamin ni KarlTzy na nanatiling ‘boring’ ang tank build sa kaniyang signature hero.

“Boring pa rin po kasi para sa aken kasi nasanay po talaga ako doon na naka-damage. Yung pumapatay talaga. Tapos ayon parang sobrang nakakapanigabo na biglang tinatank,” kuwento ng 2-time M-World Series champion.

Matatandaan na ang assassin ang parehong karakter na ginamit niya para makalawit ang una niyang kampeonato sa world stage sa M2 World Championship kasama ang Bren Esports, dahilan pa nga para mabigyan ang karakter ng sarili nitong M Championship skin.

Gayunman ang pagtingin ni KarlTzy sa Tankcelot ay ipinakita niya kung bakit isa siya sa kinikilala bilang pinakamagaling sa paggamit ng assassin jungler.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Epektibo ang utility build ng pro sa kaniyang hero na nagtala ng magkasunod na 1/1/11 at 1/0/6 KDAs para tulungana ng Purple Orcas makuha ang tagumpay sa game one at kumpletuhin ang season sweep kontra Blacklist sa game three.

Pagtutuloy ng ECHO superstar, “Ano nga ngayon eh, nag-Lance ako kahit di ako panalo sa scrim. Kasi trinatry ko din sa scrim. Wala lang, parang gusto nila na gamitin ko. So nag G ako.”

Credit: MPL Philippines

Inaasahan na mas palalalimin nito ang hero draft ng ECHO na kasunod na babanggain ang numero unong Bren Esports.

Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Tatay Benny! Ganito daw binabalanse ni Bennyqt ang pagiging MLBB pro at bagong ama