Noong unang araw ng M4 World Championship, nag-flex si Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno nang makuha niya ang ika-63 sunod na panalo sa ranked mode gamit ang Fredrinn.

Marahil ay basic lang ‘to para sa nag-iisang two-time M-series World Champion, pero para sa mga tulad nating normal na tao, pahirapan na ang makasampa sa Mythical Glory na rank, lalo na kung solo.

Kaya nang makapanayam ng ONE Esports ang jungler ng ECHO, hindi na namin pinalagpas ang pagkakataong manghingi ng tips para makampas man lang sa lima win streak sa ranked games.



3 jungler hero na pang-grind sa ranked games ayon kay KarlTzy ng ECHO

Sabi ni KarlTzy, kahit daw solo player na walang ka-party ay kayang maka-abot sa Mythical Glory, pero naglista siya ng tatlong hero na dapat gamitin para magawa ito.

Fredrinn

MLBB Fredrinn
Credit: Moonton

Si Fredrinn ang isa sa pinakasikat na hero noong M4 World Championship na madalas ding gamitin ni KarlTzy. Tied sila ni Karrie bilang most picked heroes matapos mapili ng 50 beses.

Sa meta kung saan pwedeng gamitin ang tank at assassin bilang jungler, si Fredrinn ang pinakamagandang choice. Bukod kasi sa taglay niyang kakunatan, at dami ng crowd control skills, may sapat din siyang damage para sumelyo ng neutral objective o pumatay ng kalaban.

Fanny

Fanny
Credit: Moonton

Ang hero na pinakamahirap i-master, pero kayang-kaya magbuhat ng apat na kakampi.

Sa isang iglap ay kayang pumatay ni Fanny ng nag-aasim na gold laner o naggagalang mage. Dapat lang talagang magamay kung paano mag-cable nang nasusulit ang energy.

Iilan lang din ang mga hero na nagsisilbing pangontra sa malikot na Fanny, kaya’t hindi na nakagugulat kung isinama siya ni KarlTzy sa listahan ng mga hero na pwedeng i-spam para makapag-Mythical Glory.

Ling

MLBB Ling core
Credit: Moonton

Mas madali lang nang bahagya si Ling gamitin kumpara kay Fanny, pero pareho rin silang Assassin na malikot sa mapa at may mataas na damage output.

Pero ‘di tulad ni Fanny, mas nakakatakot si Ling sa late game. Kaya niyang mag-split push, tumunaw ng turrets, at makatakas bago pa may makarespundeng kalaban.

Maaari rin gamitin ang ultimate niyang Tempest of Blade para makaselyo ng neutral objectives gaya ng Turtle at Lord.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Kilalanin si SanFord ng ECHO, ang standout player ng M4 World Championship