Lalong pinatunayan nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol at ONIC Esports na sila ang pinakamalakas na koponan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10), matapos nilang pahabain ang pagdurusa ng EVOS Legends noong ikapitong linggo ng regular season.
Mahalaga ang naturang harapan para sa White Tigers dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang tsansa na makapasok sa playoffs. Gayunpaman, bigo ang tropa nina Sebastian “Pendragon” Arthur na lampasan ang mga hedgehog.
Kairi nagtala ng back-to-back 0 death games kontra EVOS Legends
EVOS Legends ang kumamada ng unang panalo sa serye, pero as usual, bigo silang masarado ito ng panalo. Nagsilbing malaking balakid kasi ang performance na ipinamalas ng Filipino jungler na si Kairi para sa White Tigers.
Nagpakitang-gilas ang import gamit ang dalawang magkaibang uri ng junger—Tank-type na Balmond noong ikalawang mapa ng serye, at malikot na Ling para masarado ang kanilang panalo.
Sa parehong mapa kung kailan nasungkit ng ONIC Esports ang panalo, ni isang beses ay hindi nahuli ng EVOS Legends si Kairi.
Gamit ang Balmond, nagtala siya ng tatlong kills at pitong assists. Tinulungan niya rin ang kanyang koponan na maselyo ang lahat ng Turtle at Lord.
Bilang Ling naman, kinana ni The Future ang lima sa 11 total kills ng kanyang koponan para hiranging MVP. Nagdagdag din siya ng dalawang assists at nakaipon ng game-high 14,323 gold, kahit pa napunta ang lahat ng Turtle sa puwersa nina Arthur “Sutsujin” Sunarkho.
Ang panalong ‘to nina Kairi ang nagtala ng ikalimang sunod na talo ng EVOS Legends bago sumabak sa ikawalong linggo ng regular season. Para sa ONIC Esports naman, ito ang sumelyo sa kanilang upper bracket spot sa playoffs ng season.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Aminado si DeanKT na hindi deserve ng EVOS Legends na makapasok sa MPL ID S10 playoffs