Sa dalawang laban pa lang bumibida si Lee “Owl” Gonzales sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH Season 11) pero malaki na ang naging ambag niya para maselyo ng Blacklist International ang slot nito sa papalapit na playoffs.
Ang defending champions ng liga ang ikatlong koponang makaka-abante sa MPL PH Season 11 playoffs, kasunod ng BREN Esports at ECHO, matapos nilang ma-reverse sweep ang ONIC Philippines sa ikalawa nilang pagkikita sa gumugulong na regular season.
Sa serye, nagsalitan sa pagpapakitang-gilas ang mainit na Hall of Legend nominee na si Edward Jay “Edward” Dapadap at rookie gold laner na nilipat mula sa Blacklist Academy, ang MLBB Development League Philippines team ng Blacklist International, na si Owl.
Matapos selyuhin ang panalo, ibinahagi ni Owl ang kaniyang karanasan sa unang dalawang linggong paglalaro sa MPL PH.
- Venue at petsa ng MPL PH Season 11 playoffs, tukoy na
- Si Yawi ang boto ni Bennyqt para maging susunod na Hall of Legends inductee
Ang pinagkaiba ng MDL PH sa MPL PH ayon kay Owl ng Blacklist International
Bukod sa entablado, inaming Southeast Asian Games gold medalist na wala masyadong pinagkaiba paghahandang ginagawa niya sa MDL PH at sa MPL PH. Sa kabila nito, may binanggit siyang malaking pagkakaiba ng dalawang liga.
“Siguro po mas pinataas ‘yung competition kasi sobrang galing ng mga players sa MPL,” aniya.
Sa una niyang salang bilang parte ng Blacklist International, nakaharap niya agad ang tinaguriang Gold Standard na si Duane “Kelra” Pillas. Sa ikalawang mapa ng serye na sumelyo sa kanilang panalo, hinirang ang kanyang Karrie bilang ang MVP ng ikalawang mapa ng serye.
Palo rin si Owl gamit ang parehong hero sa naturang serye kontra ONIC. Pinabulaanan niya ang hamon ni Kenneth “Nets” Barro na huhulihin niya ito, bagamat kinailangan ang tatlong mapa ng serye para makuha ng Blacklist International ang panalo.
Kahit pa naselyo na ng defending MPL PH champions ang kanilang tiket papuntang playoffs, minamata naman nito ngayon ang top seed na kasalukuyang hawak ng BREN Esports.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Pagkatalo ng Bren Esports sa TNC sa Week 6 isang ‘humbling experience’ daw ayon kay Coach Duckey