Si Vexana, na dating hindi pinapansin pagdating sa mga picks, ay bigla na lang naging popular.
Nakakuha siya ng isang bagong set ng skills, kasama na ang kakayahang mag-summon ng napakalaking undead knight na halos kasing laki ng Turtle sa pamamagitan ng kanyang ultimate na Eternal Guard.
Siya na ngayon ay may potensyal na magdikta ng magiging takbo ng mga team fights, hindi tulad ng dati na tila pabigat pa siya.
Ang revamped Vexana ay maaari pa ring kontrahin, gayunpaman, dahil wala siyang anumang mga mobility skills o maaasahang crowd control. Narito ang tatlong heroes na may palag na lumaban sa kanya.
3 hero counters kay Vexana
Kadita
Una sa listahan ang reyna ng karagatan na si Kadita. Bagay na bagay siya panlaban sa mga malalambot na heroes na walang skills na pantakas gaya ni Vexana.
Kapag na-stun niya na ang target gamit ang Breath of the Ocean, madaling makakalapit si Kadita gamit ang Ocean Oddity at tapusin ang kalaban gamit ang Rough Waves.
Ang Ocean Oddity at Rough Waves ay maganda ring pantakas sa ultimate ni Vexana na Eternal Guard. Bukod pa dito, ang passive skill ni Kadita na Thalasophobia ay kayang magbalik ng karamihan sa kanyang health kapag na-combo siya sa team fight. Gamitin mo si Kadita kung gusto mo ng pinaka-safe at pinakamadaling sagot sa revamped Vexana.
Aurora
Pareho ng function sina Aurora at Vexana. Ang parehong heroes ay nangunguna sa pag-initiate ng mga team fights sa pamamagitan ng pagsurpresa sa kalabang team gamit ang kanilang area-of-effect skills. Ang pinagkaiba ni Aurora ay ang kanyang passive na Pride of Ice, na kayang i-freeze ang mga kalaban sa pwesto.
Ang isang mahusay na Aurora ay kayang abusuhin ang kawalan ni Vexana ng mobility sa pamamagitan ng pagtatago sa bush, i-freeze siya pag lumapit, at i-burst siya hanggang mawala sa mapa.
Mas madali itong magagawa kung mahuhuli siya ni Aurora na mag-isa, nakahiwalay sa kanyang mga teammates, lalo na kung wala siyang Purify o Winter Truncheon. Ang downside nga lang ng Aurora pick ay wala rin siyang mobility, kung kaya’t magiging pagalingan na lang talaga pag umabot na sa late game at parehong naka-full build na ang dalawang heroes.
Kagura
Si Kagura ang isa sa mga pinakamahirap na matutuhang hero sa Land of Dawn, ngunit napaka-rewarding naman, lalo na sa mga matataas na ranks. Meron siyang mobility, maayos na damage, at kayang mag-cancel ng crowd control skills gamit ang Rasho Umbrella Flee.
Kaya niyang ma-cancel ang Cursed Blast at Eternal Guard combo ni Vexana kung matyempuhan nang tama, kaya rin niyang mag-counterattack gamit ang Seimei Umbrella at Yin Yang Overturn. Walang sagot si Vexana sa kanyang mga skills, at mapipilitang ubusin ang kung anumang Battle Spell ang meron siya.
Kahit pa piliin ng Vexana player na maging defensive at magtago sa mga bushes, kaya ng paying ni Kagura na magbigay ng vision sa isang area gamit ang Seimei Umbrella Open sa mga chokepoints.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.