Nagbago ang hulma ng meta sa playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11) dahil sa bagong patch.

Nagbago na ang mga OP jungle hero, dahil sa pag-usbong ng Tankcelot, Fredrinn, at Martis. Kahit pa nananatiling viable ang Tank heroes bilang junglers, may isang malakas na Tank Jungle hero na babad sa MPL Philippines, pero isang beses lang ginamit sa playoffs ng MPL ID… ng Filipino import pa na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol ng ONIC Esports.

OP daw si Grock sa jungle dahil sa isang dahilan, ayon kay KB

Isang beses lang ginamit ang OP jungle hero na 'to sa playoffs ng MPL ID S11
Credit: Moonton

Madalas na naglalaro ng jungle Grock sa MPL PH, lalo na ang jungler ng ONIC Philippines na si Stephen “Sensui” Castillo.

Natanong ng ONE Esports si KB kung bakit si Grock, na may full mobility at crowd control pero tila mas mabagal mag-clear ng buff kumpara sa ibang Tank jungler, ay binabansagang OP jungle hero ngayon.

“Grock jungler itu enaknya bisa bikin lord ke-cancel atau ke-reset tanpa harus banyak effort. Pakai skill 2 saja,” aniya.

Si Kairi lang ang gumamit sa OP jungle hero na 'to noong playoffs ng MPL ID S11
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

(Ang Grock jungler ay maganda dahil madaling ma-cancel o ma-reset ang buhay ng Lord nang hindi kailangan ng maraming effort. Gamitin lamang ang kanyang Guardian’s Barrier.)

“Selain itu dia bisa maksain ultinya untuk stun lawan saat kontes lord. Cari saja tembok terdekat ulti, mungkin saja musuh terkena stun dia dapat retri gratis. Ulti retri nilai plus, tapi yang paling penting skill 2-nya bisa reset-reset area lord,” dagdag ni KB.



(Bukod dito, maaaring gamitin niya ang kanyang ultimate upang mag-stun sa mga kalaban sa panahon ng ire-retri na ang Lord. Hanapin lamang ang pinakamalapit na pader para sa kanyang ultimate, at mas mataas ang tsansa na makuha ang objective. Ang combo ng Wild Charge at Retribution ay bentahe rin, pero ang pinakamahalaga ay ang kanyang Guardian’s Barrier na nagre-reset sa buhay ng Lord.)

Isang beses lang ginamit ang OP jungle hero na 'to sa playoffs ng MPL ID S11
Credit: Moonton

“Jadi meski Grock jungler lose condition, dia masih bisa bikin lama musuh saat kontes lord. Jadi ketika musuh harusnya 15 detik dapat lord bisa ke-delay menjadi 30 sampai 45 detik karena skill 2 Grock itu,” paliwanag niya.

(Kahit na nasa dehado ang Grock jungler, maaari pa rin niyang ma-delay ang mga kalaban sa pag-contest sa Lord. Kung kayang kunin ng kalaban ang Lord sa loob ng 15 segundo, maaari itong ma-delay hanggang 30-45 segundo dahil sa pangalawang skill ni Grock.)


Kairi bumida gamit ang OP jungle hero na si Grock sa grand final ng MPL ID Season 11

Isang beses lang ginamit ang OP jungle hero na 'to sa playoffs ng MPL ID S11
Credit: ONIC Esports

Tanging si Kairi lamang ang gumamit ng Grock jungler sa playoffs ng MPL ID S11. Nakakagulat ito lalo na’t ito ang unang beses na ginamit ang hero bilang jungler noong naturang yugto ng turneo.

Ginamit ito ni Kairi noong ikatlong mapa ng grand finals laban sa EVOS Legends. Ang paglalaro ng Grock jungler ay nangangahulugan na sobrang nakatutok ka sa mga objectives, at nagawa ito ni Kairi nang maayos.

Kasama ang Valentina, Kadita, Melissa, at Arlott, naisagawa nang maayos ni Kairi ang kanyang misyon na selyuhin ang lahat ng neutral objectives para sa kanyang koponan.

Malaking panggulo ang Guardian’s Barrier hindi lang sa pakikipag-sayawan para sa Turtle at Lord, pero maging sa rotations o pwestuhan ng EVOS Legends.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kairi inilahad kung bakit naghahari ang Pinoy players sa MPL ID: ‘Di lang kasi puro mechanics’