Matagumpay ang kongklusyon ng MPL Philippines Season 11 regular season para sa RSG Slate Philippines ni Brian “Coach Panda” Lim na nanatiling solido sa fourth place katuwang ng inantabayanang tiket papunta sa postseason sa susunod na dalawang linggo.
Sa gitna ng preparasyon ng hanay para sa darating na playoffs, nagpaunlak si Coach Panda na sagutin ang ilang katanungan ng Raiders ukol sa mga desisyong ginawa niya at ng coaching staff sa gumulong na regular season play.
Coach Panda binigyang-linaw ang shot calls sa drafting at palitan ni H2wo at Irrad
Sa isang post sa Facebook group ng Raiders, ipinunto ng dekoradong coach ang katwiran sa paraan ng kaniyang drafting para sa RSG Slate PH junglers na sina John “H2wo” Salonga at John “Irrad” Abarquez. Ito ay kasunod ng puna ng ilang fans ukol sa palagiang tank jungler na isinasalang para kay H2wo habang napanood sa Week 8 na ibinigay ng coach ang assasin heroes para kay Irrad.
Sulat ni Coach Panda, “First of all, the way how me and Coach Theo prepare for tournament drafts is that we decide which heroes we can use based on our performance sa mga scrims. The notion that I have is “whatever happens sa scrims will happen sa tournament din.”
“Based on our scrim experience of the team with H2wo, it was shown that the team overall had better results using tank-jungler heroes. However, when we used assassin heroes sa mga scrims, the decision-making and communication ni H2wo was not shown [as] consistent,” pagpapalawig ng miyembro ng Hall of Legends.
Bagamat hindi naisalang sa Week 8 ang kaniyang primary core player, inaasahan daw niyang mabubuo nito ang kaniyang kumpiyansa lalo pa’t may “assignments” siyang ibinigay para dito.
“While I was training with Irrad for Week 8, I gave separate assignments kay H2wo where he can build his confidence, practice new heroes and mechanics, and flexibility in decision making. Hopefully, in our following preparation for playoffs, he can show the team the result of his hard work,” dagdag niya.
Samantala, hindi rin pinalampas ni Coach Panda ang pagkakataon para linawin ang desisyon niya sa pagsalang kay Irrad sa Week 8.
Katwiran ng 2-time MPL PH champion, “My goal is to have the most optimum lineup for the playoffs, that’s why it was my decision to let Irrad play to see the change of dynamics and gamestyle of team. To see if he can translate his scrim results to the tournament, it was important for me to test him sa stage also”
Sa kasalukuyan, nakatutok daw siya pareho sa pagsasanay ng dalawa niyang junglers bilang paghahanda sa bakbakan sa postseason at inaasahan na matututo ang mga ito sa isa’t-isa.
Manatiling nakatutok sa pinakahuli ukol sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Coach Panda inaming hindi pa handa ang RSG Slate PH sa MPL PH S11 playoffs