Ngayong taon, papasok na ang Mobile Legends: Bang Bang sa pinakamalaking merkado sa Asya, at marahil sa buong mundo.

Nakatanggap na ng pahintulot ang naturang mobile MOBA na dinevelop ng Shanghai Moonton Technology Co., isang subsidiary ng ByteDance (na may-ari ng TikTok), na ilunsad ang kanilang laro sa China.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng National Press and Publication Administration (NPPA), na-aprubahan ang lisensya ng mobile MOBA noong ika-18 ng Abril. Gayunpaman, hindi na gagamitin sa Tsina ang pangalan nitong Ingles.



May Mobile Legends: Bang Bang na sa China, ang pinakamalaking merkado sa Asya

Credit: Moonton

Sa halip na Mobile Legends: Bang Bang, ang laro ay tatawaging “决胜巅峰” (jue sheng dian feng) sa Mandarin, na nangangahulugang “The Pinnacle of Decisive Victory”.

Unang inaprubahan ng NPPA ang titulo noong Marso 23, 2023, bago maglabas ng lisensiya noong ika-18 ng Abril.

“Moonton is now looking forward to bringing a brand-new gaming experience to players in China and hopes for Chinese organizations to join the MLBB global esports ecosystem as soon as possible,” ani ng game developers sa isang press release.

May Mobile Legends na sa China—pero hindi ito tatawaging Mobile Legends
Credit: Moonton

(Umaasa ang Moonton na magdudulot sila ng bagong gaming experience sa mga manlalaro sa Tsina at umaasa silang sumali ang mga Chinese organization sa MLBB global esports ecosystem sa lalong madaling panahon.)

Mula nang ilunsad noong 2016, nakapagtatag ng malakas na presensya ang Mobile Legends sa Southeast Asia, na may limang malalaking MPL Leagues sa Malaysia, Singapore, Indonesia, Pilipinas, at kamakailan lamang, sa Cambodia. Sa iba pang bansa tulad ng Turkey, USA, at Brazil, lumalaki rin ang laro at ang lokal nitong esports scene.

May Mobile Legends na sa China—pero hindi ito tatawaging Mobile Legends
Credit: Moonton

Noong Pebrero 2022, unang nabalita ang pagpasok ng laro sa China nang magkaroon ng internal game test sa loob ng kumpanya. Kumalat ang mga larawan ng mga hero na may mga Mandarin names sa internet.

Ayon sa developer, ang average na monthly active users ng laro ay mahigit sa 100 milyon at na-download na rin ito ng mahigit sa isang bilyong manlalaro sa buong mundo. Ang Mobile Legends ay patuloy na nakakasama sa mga top 20 best-selling MOBA mobile games sa higit sa 50 bansa.

Noong Enero 2023, tinatayang higit sa 4.2 milyong mga tagahanga ang nanood sa M4 World Championship match sa pagitan ng Blacklist International at RRQ Hoshi, na nagpapaloob sa isa sa tatlong pinakamalaking global esports tournaments na napanood, ayon sa Esports Charts.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: