Si Melissa ay isang marksman hero sa Mobile Legends: Bang Bang na gumagamit ng mga needles at mga puppets bilang mga sandata.
Ang kanyang natatanging abilities ay isang magandang kombinasyon ng long-range poke at depensa, kung kaya’t isa siyang malakas na laner sa karamihan nang mga matchups sa Mobile Legends.
Upang matulungan kang magdomina sa Land of Dawn gamit ang Cursed Needle ng Forsaken Light alliance, narito ang isang komprehensibong Melissa guide na sumasaklaw sa mga inirerekomendang battle spell, emblem set, pinakamahusay na build, mga skill tips, at mga combos.
Mga skills ni Melissa sa Mobile Legends
Passive – Doll Buster
Si Melissa ay nagbibigay ng karagdagang damage sa mga minions, creeps, at mga summoned units.
- Ang passive na ito ay gumagana rin sa kanyang puppet na si Muddles dahil ito ay isang summoned unit. Ito ay tumutugma sa kanyang second skill.
- Ang karagdagang damage na ibinibigay sa mga summoned units at minions ay kasama ang lahat ng uri ng damage mula sa mga battle spells, talents, equipment, skills, at mga basic attacks.
- Ito ay epektibo laban sa Nightmaric Spawn ni Zhask, wolf ni Popol na si Kupa, at Eternal Guard ni Vexana.
First skill – Falling!
Si Melissa ay umaabante at nagtataas ng kanyang attack speed sa loob ng ilang segundo. Ang cooldown ng skill na ito ay nababawasan bawat beses na nabibigyan niya ng damage ang kalaban sa pamamagitan ng pag-atake kay Muddles.
- Bilang kanyang pangunahing mobility spell, ito ay nagbibigay-daan kay Melissa na maiposisyon ang kanyang sarili sa gitna ng mga duels o mga team fights at gumalaw kasama ang kanyang puppet, katulad ng paggalaw ng payong ni Kagura. Maaring gamitin ito upang iwasan ang mga skills ng kalaban o lumapit sa kanyang mga kakampi upang makakuha ng proteksyon sa mga labanan.
- Ito rin ay nagbibigay sa kanya ng magandang DPS dahil sa karagdagang attack speed. Gamitin ang skill na ito sa tuwing available ito, kasama ang kanyang second skill upang guluhin ang kalaban sa lane.
- Unahing i-max ang skill na ito upang mabawasan ang base cooldown dahil ito ay mahalaga sa paghabol o pagtakas.
- Huwag kalimutan gamitin ang cooldown reduction effect na maaring i-activate sa pamamagitan ng kanyang second skill.
Second skill – Eyes on You!
Hinahagis ni Melissa ng kanyang puppet na si Muddles sa isang direksyon. Si Muddles ay nagdudulot ng Physical Damage sa unang tama nito at naglilikha ng link sa mga kalapit na kalabang heroes sa loob ng ilang segundo. Ang mga kalaban na naka-link ay babagal at maaaring i-break ng link sa pamamagitan ng pag-alis sa range nito.
Si Muddles ay babalik sa kanya agad kapag siya ay masyadong malayo. Kapag naroroon si Muddles, maaari mong i-tap ang button na Attack Minion upang direkta nitong atakihin si Muddles, bagaman hindi nito maaring mag-trigger ng multi-hit damage.
- Ang skill na ito ay pangunahing pinagmumulan ng damage ni Melissa at isa rin itong debuff (slow). Kunin ito sa level one upang guluhin ang iyong kalaban sa lane sa simula pa lamang ng game. Gamitin ito nang madalas kasama ang Falling! kapag ito ay available.
- Si Muddles ay nagdudulot din ng da,age sa mga minions at creeps, ngunit hindi sila nakakalink.
- Kung ang mga kalaban ay lumalayo na sa range ni Muddles, maaari mong gamitin ang kanyang first skill upang manatiling nakatali ang mga ito sa link ng puppet.
- Hangga’t maaari, gamitin ang iyong basic attack upang ma-trigger ang multi-hit damage, ngunit iwasan ang sobrang paghabol sa kalaban.
- Maaari mong i-maximize ang range ng skill na ito sa pamamagitan ng pag-tap sa button ng Attack Minion upang direkta nitong tamaan si Muddles at saktan ang mga naka-link na kalaban.
Ultimate – Go Away!
Inuutusan ni Melissa si Cuddles na maglabas ng Field of Protection. Kapag ito ay aktibo, ang field ay magna-knockback ng mga kalaban sa area at magdudulot ng magic damage sa kanila.
Ito ay patuloy na magtataboy ng mga kalaban na nagtatangkang pumasok sa field, nagdudulot ng magic damage at pansamantalang nagpapabagal sa kanila. Ito ay makapagpapatigil rin ng galaw ng kalaban na gumagamit ng movement skills maliban kung sila ay may immunity sa mga control effects. Ito ay magmo-move rin kasama si Melissa nang isang beses kapag siya ay malapit nang lumabas sa boundary ng field.
Ang pagkuha ng skill na ito ay permanenteng nagpapataas ng kanyang physical at magic defense. Ang effect na ito ay nadaragdagan kapag ang active ang skill.
- Ito ay isang defensive skill, ngunit maaari mo rin itong gamitin sa agresibong paraan sa pamamagitan ng pagtulak ng mga kalaban palapit sa iyong mga kasamahan o turret.
- Maaari mong baguhin ang posisyon ng field gamit ang kanyang unang skill at lumayo pa mula sa mga kalaban na humahabol sa iyo.
Komprehensibong Melissa guide sa Mobile Legends
Recommended battle spell
Ang Inspire ay ang pinakaiminumungkahing battle spell dahil ito ay nagbibigay ng karagdagang attack speed, physical penetration, at lifesteal na makakatulong sa iyo na magdomina sa iyong lane matchup. Sa huling bahagi ng laro, ito ay magbibigay sa iyo ng malakas na damage sa mga team fights.
Ngunit kung kailangan mong maglaro nang mas ligtas, piliin ang Flicker sa halip. Ito ay tutulong sa iyo na mag-reposition kapag ikaw ay hinahabol ng mga assassin o mga heroes na maaaring tumalon papunta wsa back line, na kung gayon ay magbibigay sa iyo ng espasyo upang gamitin ang iyong mga skills at basic attacks nang malaya.
Recommended emblem
Bago lumusob sa laban, siguraduhin na piliin ang Marksman emblem. Pumili ng Bravery para sa physical attack at Swift para sa attack speed upang ma-maximize ang iyong poking potential sa laning phase kung saan si Melissa ay pinakamalakas.
Piliin ang Electro Flash na key talent para sa chase potential kapag ikaw ay nangunguna sa gold lane matchup o sustain at bonus mobility kapag ikaw ay dehado o madalas na naga-gank. Ang Weakness Finder rin ay maganda kung kayang maglaro nang agresibo sa lane.
Base item build
Bilang gold laner-marksman ng koponan, inaasahan na ikaw ang magbibigay ng damage sa mga kalabang hero at turret.
Bumuo ng mga items na magbibigay sa’yo ng pinakamalaking damage at attack speed, tulad ng Corrosion Scythe, Demon Hunter Sword, Golden Staff, at Malefic Roar. Mas mainam kung ang iyong roamer at mga kakampi ay magprotekta sa iyo sa tuwing may team fights.
Bumili rin ng Wind of Nature para sa karagdagang layer ng proteksyon.
The best build para kay Melissa sa Mobile Legends
- Corrosion Sycthe
- Tough Boots
- Demon Hunter Sword
- Golden Staff
- Wind of Nature
- Malefic Roar
Kung may iba pang mga damage dealers sa iyong koponan at kailangan mong mag-survive nang mas matagal sa mga labanan, maaari kang pumili ng isang hybrid na build ng damage at defense.
Mahalaga ang Wind of Nature kung ikaw ay binabantayan ng isang assassin na armado ng physical burst. Maaari mong palitan ito ng Rose Gold Meteor o direktang Athena’s Shield upang kontrahin ang magic burst. Maaari rin na gusto mong pumili ng Immortality sa halip ng Brute Force Breastplate kung tumatagal ang game.
Alternative build
- Corrosion Scythe
- Tough Boots
- Demon Hunter Sword
- Wind of Nature
- Rose Gold Meteor/Athena’s Shield
- Brute Force Breastplate
Madaling combos na dapat matutunan
Simulan ang laban gamit ang Eyes on You! upang manggulo sa kalaban sa lane at unahing pataasin ang level ng Falling! dahil ito ang mobility skill ni Melissa.
Pataasin ang kanyang Go Away! ultimate sa tuwing may pagkakataon. Ito ay nagbibigay kay Melissa ng higit pang physical at magic defense, kaya siguraduhin na gamitin ito kapag nakikipaglaban sa duel o team fight.
Ang skill combo ni Melissa ay medyo simple. Unahin ang paggamit ng Eyes on You! at pagkatapos ay gamitin ang Falling! para sa dagdag na attack speed upang ma-poke ang iyong mga kalaban.
Maaari kang magdulot ng damage sa mga kalaban na nasa labas ng iyong attack range sa pamamagitan ng pag-atake kay Muddles at pagdulot ng damage sa mga naka-link dito. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-tap sa Attack Minion button.
Kung may Inspire kang battle spell, gamitin ito sa mga duels o team fights. Tandaan na gamitin ang Go Away! at Falling! para sa pag-reposition.
Handa ka na bang mag-rank up sa Mobile Legends gamit ang mga natutuhan sa Melissa guide na ‘to?
Para sa iba pang MLBB guides, news, at updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.