Ginulat ng Bigetron Alpha ang MLBB Indonesia competitive scene sa balitang hiwalayan. Dalawang stars mula sa Pilipinas, sina Marky “Markyyyyy” Capacio at analyst na si Jian “Pauloexpert” Munsayac, ay opisyal nang umalis sa Red Robot team ngayong Lune, April 24.
Si Markyyyyy, isang matatag na gold laner, ay opisyal na umalis sa Bigetron Alpha matapos maglaro sa dalawang seasons ng MPL ID, Season 10 at Season 11. Samantalang si Pauloexpert ay isang analyst na kamakailan lang ay nanggaling sa BREN noong simula ng nakaraang season.
Nakakapanghinayang ng paglalakbay ng Bigetron sa MPL ID S11. Inaasaha silang maging grandfinalists, ngunit ang Red Robot squad ay maagang nawala sa tournament. Sa muli at muli, isang pangkabuuang pagbabago ang pinakamahusay na solusyon.
Sa kasalukuyan, ang puwesto ng gold laner ng Bigetron ay napunan na ni Dicky “Saken” Cahyana, at sa kanilang MDL squad naman ay mayroon nang Muhammad “Dannqt” Nurhamdan. Posibleng ang Red Robot squad ay maglaro nang mas independiyente nang wala ang tulong ni Markyyyyy.
Sa coaching side naman, ang pag-alis ng Filipino coach ay siguradong nagbigay kina Muhammad “Razeboy” Farizudin at Ronaldo “Aldo” Lieberth ng karagdagang trabaho upang ayusin ang Red Robot squad para sa susunod na season.
Pagbitaw ng Bigetron Alpha sa mga Pinoy stars sumunod lamang sa RRQ
Ang pag-alis ng mga manlalaro at mga coach na Pilipino ay hindi na bago. Noon pa, unang binitawan ng RRQ ang isa sa mga miyembro ng kanilang coaching staff, si Michael “Arcadia” Bocado. Matapos magpahinga sa gitna ng season, nagpasya si Coach Arc na humiwalay na sa team.
Kilala ang Pinoy gold laner na patuloy na nagpapalakas ng Bigetron noong simula ng MPL ID S11. Gayunpaman, sa paglapit ng kalagitnaan ng season, nagpasya ang management na i-promote si Saken kasama si Kenneth “Super Kenn” Marcello sa MPL lineup.
Bilang resulta, hindi na nagawang palakasin ng Pinoy star ang Red Robot squad hanggang sa playoffs. Maganda ang naging takbo ng Bigetron sa regular season. Gayunpaman, ang pagkatalo sa playoffs matapos ang comeback ng Alter Ego ay talagang nagkaroon ng malaking epekto.
Nagsisi ang lahat sa naging resulta, kahit si Paulo ay napaiyak pa. Muling kinailangan ng Red Robot squad na lunukin ang mapait na pagkatalo. At ang paghihiwalay ng landas ay naging mahirap na desisyon para sa magkabilang mga partido.
“It’s not a short journey but it means a lot. High loyalty and determination are also always shown at every opportunity. Now is the time to part ways with each other after a stage in an adventure that is impossible to forget.”
“Thank you for your [struggle] with Bigetron Alpha,” mensahe sa post ng management.
Sa ngayon, tila uuwi na sina Markyyyyy at Pauloexpert sa ating bansa, kung saan nakatakda ang mga susunod na hakbang sa kanilang karera.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.