Isa sa mga pangunahing manlalaro ng EVOS Legends si Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin simula noong pumasok siya, pero nitong mga nakaraang season, tila may pumalit na sa kanyang role.

Sumali si Ferxiic sa EVOS Legends noong ikapitong season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) para punan ang posisyon ng jungler na iniwan ni Muhammad “Wannn” Ridwan dahil sa burnout. Sa una, nagduda ang publiko sa kanya, ngunit nagpakita siya ng galing sa laro at naging kampeon sa turneo.

Ang payo ni Wann kay Ferxiic matapos siyang ibangko sa EVOS Legends
Credit: Mumammad Thalha/ONE Esports

Ngunit sa MPL ID S10, napalitan na ang posisyon niya bilang jungler ng EVOS Legends ni Arthur “Sutsujin” Sunarkho, isang manlalaro mula sa kanilang MLBB Development League (MDL) team.

Sa dalawang seasons na nagdaan, may pagkakataon pa rin si Ferxiic na maglaro. Ngunit hindi ito tumatagal dahil prayoridad si Sutsujin bilang bilang starting jungler.

Ang payo ni Wann kay Ferxiic matapos siyang ibangko sa EVOS Legends
Credit: ONE Esports

Sa katunayan, sa MPL ID S10, siya ay naglaro sa MDL ID S6 upang tulungan ang EVOS Icon na manalo sa torneo. Ngunit sa kasamaang-palad, sila ay naging runner-up lamang matapos matatalo sa Bigetron Beta.



Wann nagbigay ng words of encouragement par kay EVOS Ferxiic

Ang payo ni Wann kay Ferxiic matapos siyang ibangko sa EVOS Legends
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Sa kasalukuyan, si Ferxiic ay nakaharap sa isang mahirap na sitwasyon, at kailangan niyang maghanap ng paraan upang muling makuha ang kanyang posisyon bilang main jungler ng EVOS Legends.

Sa kabila ng lahat, ang unang kailangan niyang gawin ay bumangon muli, sa performance at espiritu. Ito ang maaaring simula ng tagumpay ng isa sa mga pinakamahusay na jungler sa Indonesia sa MLBB competitive scene.

Ang payo ni Wann kay Ferxiic matapos siyang ibangko sa EVOS Legends
Credit: MPL Indonesia

Tungkol dito, may mensahe si Wann sa kanyang junior. Payo niya kay Ferxiic na huwag masyadong mag-isip at maniwala na mas mahalaga ang kanyang karera at kakayahan kaysa sa sinasabi ng ibang tao.

“Buat Ferxiic, pokoknya jangan terlalu banyak mikir lah. Pastinya kan ada banyak orang yang nge-DM untuk menghujat atau merendahkan kamu. Tetap yakin saja bahwa diri kamu itu berharga,” ani Wann.

Kahit hindi na kasama sa EVOS, kilala si Wann sa pagiging malapit sa mga manlalaro. Hindi lamang kay Ferxiic, kundi pati na rin kay Tazz. Sa ibang salita, hindi siya pumipili ng kampi kung sino ang karapat-dapat na main jungler ng EVOS Legends.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Burn X Flash ipinagtanggol ang korona sa MPL KH, pasok sa MSC 2023