‘Di maipagkakaila na si Pharsa ang pinakamabisang mage hero na ipang-grind sa ranked games, pero paano nga ba i-counter ang midlane hero na ‘to?
Isa ang hero na ‘to sa mga go-to midlaners hindi lang sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines, kung hindi maging sa Indonesia. Siya ay isang priority S-tier hero kasama sina Valentina, Faramis, at Yve. Ngunit sa apat na ito, hindi matatawaran ang burst damage at range ni Pharsa.
Kaya naman malaking tanong ngayon ay kung sino-sino nga ba ang pinakamagandang hero na dapat ipang-counter kay Pharsa.
3 pinakamahusay na hero counters para kay Pharsa
Selena
Lahat ng hero na umaasa sa magandang positioning ay delikado kay Selena dahil sa combo nitong Abyssal Trap at Abyssal Arrow. ‘Di iba dito si Pharsa, lalo na’t kailangang nakatigil lang siya habang nagka-cast ng ultimate.
Dahil kadalasan ay pure Mage build din binubuo para masulit ang damage ng Feathered Air Strike, ‘di malabong pumutok ito sa isang combo lang ng Selena.
Valentina
Si Valentina ay isa pang S-tier midlane hero. May mataas din itong mobility, pero bentahe ng counter na ‘to ang kakayahan niyang kopyahin ang pangunahing source ng burst magic damage ni Pharsa.
Ang pagkakaiba ay mas superior ang melee attributes ni Valentina. Kapag na-hit si Pharsa ng immobilize combo ni Valentina gamit ang Shadow Strike at Arcane Shade, mahihirapan na siya makatakas.
Kung makapag-Wings by Wings man, dito na pwede gamitin ni Valentina ang kinopya niyang Feathered Air Strike para tapusin ang bakbakan.
Natalia
Si Natalia ang kilabot ng lahat ng malalambot na heroes sa laro. Sa isang iglap ay kaya ka nitong burahin sa mapa gamit ang combo nito, at hindi exempted dito si Pharsa.
Kung magagawa ni Natalia na mag-apply ng pressure sa naturang hero, siguradong hindi magiging kumpleto ang resources nito sa team fight, lalo na kung mapapauwi niya ito matapos puruhan ng damage.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: MLBB Beginner’s Guide: Tips at tricks para kay Gloo, ang meta tank sa MLBB