Kumpiyansa ang Geek Slate CEO na si Lim Keat Kuang na hindi aalis mula sa kanilang Mobile Legends roster ang star player na si M Dwi Chandra “Caderaa” Pambudi sa gitna ng namumuong ispekulasyon ukol sa paglipat ng gold laner sa ibang koponan sa MPL Indonesia.

Ito ay kasunod ng pambihirang performance na ipinamalas ni Caderaa sa gumulong na MPL ID Season 11 kung saan sa pinangunahan niya ang pangkat papunta sa fourth place sa regular season rankings, paraan para hirangin siya bilang Most Improved Player sa kongklusyon nito.

Credit: Caderaa

Tiwala si Keat na ang matibay na pagsasamahan nina Caderaa at ng iba pang miyembro ng Geek Slate ay sapat para mapanatili ang gold laner sa kanilang hanay.


Team chemistry at loyalty ang magpapanatili kay Caderaa sa hanay ng Geek Slate

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, sinagot ni Lim Keat Kuang ang rason kung bakit malabo ang bulung-bulungang pumapalibot tungkol kay Caderaa. Aniya, sapat na silipin na lamang ang nabuong kemistri ng koponan kung bakit madaling pabulaanan ang usapang paglipat ng gold laner.

Credit: ONE Esports

“In my opinion, the chemistry that has been established within the team is very special. When you ask me if Baloyskie or Caderaa are offered by other teams and how to keep them in the team, maybe it’s not like that, but [a more important question to answer is] how do they stay in the team,” pagsasalin sa sagot ni Keat sa ingles.

Kinilala ng Geek Slate CEO na bagamat may karapatan ang kaniyang mga manlalaro na sundan ang kanilang personal na interes, nakahanda ang esports organization na makipag-usap at makipagtulungan para panatilihin sila sa ilalim ng kanilang bandera.

Dagdag niya, naniniwala daw siya na mananatiling tapat si Caderaa sa prosesong pinagdaraanan nila para makamit ang una nilang kampeonato.


Kamakailan, nakamit ng Geek Slate ang pinakamaganda nilang tala sa MPL Indonesia nang maselyo nila ang fourth place sa standings at makapasok ng playoffs. Malaki ang kontribusyon ni Caderaa, katuwang sina “Luke” Febrian, Valent “Aboy” Agriansyah, Matthew “Matt” Geraldo at ang dalawang Pinoy na sina Allen “Baloyskie” Baloy and Jaymark “Janaaqt” Lazaro para magawa ito.

Credit: ONE Esports

Bagamat halimaw na performance ni Caderaa sa gold lane ang nagbago ng tadhana ng Geek Slate, batid ni Keat na produkto din ito ng kabuuang galaw ng team, kaya naman umaasa ang CEO na sapat ang progresong ito para mapanatili siya sa kanilang lineup sa mga susunod pang seasons.

“Of course everyone wants to shine, but in the end it’s up to each of them. Caderaa is an extraordinary player, but what has made him currently develop and be known is the great teamwork he has built together so far,” dagdag niya.

Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Skylar tinanggal sa RRQ? Narito ang 3 best gold laners na maaaring pumalit sa kanya