Malagkit ang naging sagupaan ng numero unong Bren Esports at ang makamandag na Smart Omega sa huling araw ng Week 5 ng MPL Philippines Season 11. Pagkaraang makuha ng mga pambato ng Baranggay ang unang mapa, sinindihan ni Michael “KyleTzy” Sayson ang reverse sweep ng Bren na sinungkit ang sumunod na dalawang laro para epektibong maitulak ang kanilang winstreak sa walo.
KyleTzy inutukan ang Tankcelot ni Raizen gamit ang Ling
Perpektong hawak sa Hayabusa ang ipinamalas ng batang pro para gawing best-of-one ang serye kung saan nagtala siya ng 8/0/2 KDA para hiranging MVP ng laro.
Bagamat napiit muli sa harap ng Tank Lancelot (Tankcelot) ni Dean “Raizen” Sumagui sa decider, hindi pinayagan ni KyleTzy na muling mabigo gaya ng naganap sa game one.
Hindi umurong ang 17-anyos sa mga duwelong sinimulan ng Tankcelot ni Raizen sa mapa, at kapansin-pansin ang kalmadong pamamaraan kung paano niya natalo ang meta pick.
Sa post-match interview, ito mismo ang binigyang-linaw ng Bren jungler.
“Parang tinake advantage ko po yung pagiging tank niya po kase yung Ling po kasi damage build po eh tapos yung Lance po ngayon puro tank po ngayon so parang calculated ko po yung damage ng Lance kaya na-outplay ko siya,” kuwento niya.
Malaking kaibahan ito sa umiral noong game one kung saan sinubukang makipagsabayan ng pro hawak ang Fredrinn. Bagamat 1/2/2 KDA lamang ang naitala ni KyleTzy ay malaking bahagi ang pang-aabuso niya sa pambihirang mobility ng assassin para magawa ang split push plays.
Ganito man, inamin ng jungler na mas nakaka-miss gamitin ang isa sa mga paborito niyang heroes. “Opo, parang gusto pong gayahin pero huwag muna po ngayon.”
Sa proseso, naitala na ni KyleTzy at ng kaniyang Bren Esports ang kanilang ikawalong panalo kontra sa isang talo katumbas ng 22 points para pangunahan ang lahat ng teams sa regular season standings.
Makibalita tungkol sa pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Hindi nagbago ang pagtingin ni KarlTzy sa Tankcelot kahit nanalo gamit ito kontra Blacklist