Pinurnada ng RSG Slate PH ang arangkada ni Ben “Benthings” Maglaque at ng TNC Pro Team ML sa game three para kuhanin ang 2-1 tagumpay at manatiling solido sa top 3 ng regular season standings.
Nakuha man ang tagumpay sa kongklusyon ng kanilang Week 6 sa MPL Philippines Season 11, kitang-kita ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga miyembro ng RSG, partikular na kay Brian “Coach Panda” Lim.
Sa post-match interview, inilahad ni Coach Panda ang kaniyang saloobin ukol sa performance ng kaniyang team at ang gagawin nilang paghahanda para sa sa huling dalawang linggo ng torneo.
Overthinking, comms at execution ang problema ng RSG Slate PH ayon kay Coach Panda
“I feel like this week, our game is the worst,” bungad ni Coach Panda sa panayam kasama si Mara Aquino. Kasunod ito ng pagkabigo ng team kontra sa Smart Omega sa Day 1, at ang maligamgam na performance kontra sa TNC ngayon.
Kuwento niya, “Last time, I was really disappointed sa NXPE game namen no. Pero this week was really like, pinakababa ang performance that my team showed.”
Pangunahing napuna ng beteranong coach ang “overthinking” ng mga miyembro ng RSG Slate PH sa laro, pati na rin ang kakulangan sa komunikasyon at execution ng mga ito.
“For example if they want to initiate their heroes, some players say “Sige G”, pero other players who are the core players, who are really the follow-up damage, they don’t answer. Kaya you execute, di maayos pa rin,” paglalarawan ng 2-time MPL PH champion coach.
Nangako naman si Coach Panda na aayusin niya ang dinamiko ng team sa mga susunod na araw.
“Siguro ano, 2 hours of scoloding today, and 3 hours of scolding sa Monday. I will make sure talaga that we will be prepared for next week.”
Bagamat dismayado ang RSG Slate PH, solido pa rin ang kanilang puwesto sa number 3 spot sa regular season standings sa likod lamang ng numero unong Bren Esports at ECHO. Kasalukuyang may 6-4 kartada ang Raiders katumbas ng 18 points.
Sundan ang pinakahuli sa MPL PH pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Ch4knu confidence booster daw para sa mga baguhan ng Smart Omega, backstage coach ni Mikko