Maghahalal ng isa pang miyembro sa Hall of Legends sa kongklusyon ng MPL Philippines Season 11, at para sa V33Wise duo, si Edward “EDWARD” Dapadap ang karapat-dapat na mapabilang sa eksklusibong grupo.

Ito ang inilahad nina Danerie “Wise” Del Rosario at Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna sa post-match interview matapos i-sweep ang Smart Omega, nang tanungin sila ni Mara Aquino kung sino ang manok nila para sa engrandeng parangal.


Consistency at achievements ni EDWARD sapat para maihalal sa HoL ayon sa V33Wise

Credit: MPL Philippines

Pareho ang naging tugon nina Wise at OhMyV33NUS nang matanong kung sino ang pro na sa tingin nila ay nararapat na makasama nila sa sirkulo ng pinakamalalaking pangalan sa MPL PH.

“Si EDWARD. Nung naging magkakampe kami nung season 7, yung talaga yung naging start talaga nung parang dynasty ganon. Tapos parang magka-achievement lang kami ni EDWARD eh,” kuwento ni Wise.

Pakiramdam daw niya ay 100% sigurado na ang Blacklist EXP laner ay maihahalal sa Hall of Legends.

Credit: ONE Esports/ MPL Philippines

Si OhMyV33NUS naman, ipinunto ang isang katangian na mayroon ang batang pro na sa tingin niya ay krusyal kung nais mapabilang sa hall of fame ng liga.

“Saken si EDWARD talaga eh kasi pinapakita niya talaga this season kung gaano siya ka-deserving. Yung consistency talaga nandoon. And para sa aken, sobrang iyon yung importante para makapasok ka ng Hall of Legends,” banggit ng The Queen.

Credit: MPL Philippines

Hindi lamang mula sa V33Wise ang may manok sa Bataanon na mahalal.

Nauna nang binanggit ng kapitan ng Bren Esports at kapwa-HoL member na si Angelo “Pheww” Arcangel na si EDWARD ang kinikilingan niyang mapabilang sa listahan, katuwang ni Salic “Hadji” Imam at ng kaniyang long-time coach na si Francis “Coach Duckey” Glindro.


Ilalagak sa Hall of Legends ang pangalan ng isang pro sa entablado ng MPL PH Season 11 playoffs.

May pagkakataon ang fans na mag-nomina sa pro (coach o player) na sa tingin nila ay nararapat na mapabilang sa Hall of Legends sa Facebook o Tiktok simula March 17 hanggang April 16.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: KarlTzy inaming tinitingala ang V33Wise Duo sa pagiging kampeon sa MLBB