Bagamat malabo ang potensyal para sa isang R7 comeback, hindi ito lubusang sarado.  

R7 comeback? Bilang isa sa pinakamahusay na EXP laners ng Mobile Legends, ang pagkawala ni R7 sa RRQ team ay nagkaroon ng malaking epekto. Hindi na gaanong konsistent ang naging performance ng King of Kings sa MPL ID S11. 

Naging parte si R7, o Rivaldi Fatah, sa RRQ simula season 4 at walang makakatalo sa kaniya bilang offlaner.  

Credit: ONE Esports

Ang kakaiba sa kaniya ay ang kaniyang back-step ability at mahusay na pag-initiate bilang EXP laner. Hindi nakakagulat na itinuturing si R7 bilang isa sa mga players na may pinakamataas na macro.  

Sayang, dahil matagal na siyang aktib sa competitive scene, ngunit nagkaroon siya ng injury sa kaniyang kamay at kinailangan niyang magpahinga sa MPL ID S11. 

MLBB RRQ
Credit: ONE Esports

Streaming at analysis sa MPL matches ang kaniyang pinagkakaabalahan ngayon. Ang kaniyang analytical ability ay kahanga-hanga rin at pinapatunayan na ang kaalaman ng dating Dota 2 player na ‘to sa MOBA ay nasa ibang lebel.  

R7 comeback? Posible pa kaya? 

Kasalukuyang nasa 5th week na ang MPL ID S11, at natalo na ang RRQ nang tatlong magkasunod na beses sa 4th week. Nagpalit pa sila ng coach sa kalagitnaan ng season sa pamamagitan ng pagsali kay Nasi Uduk o BangDuk para palitan ang duo na sina Fiel at Arcadia. 

Ang paglipat sa kalagitnaan ng season ay isang bagay na hindi kadalasang ginagawa ng isang team na may pinakamaraming titulo sa MPL ID. 

MLBB BangDuk
Credit: Team RRQ

Kahit ang EXP lane role ay pinapalibutan ng pangangamba. Noong una, kumikinang pa si Lemon, at malinaw pa ang gameplay at hero pool. Habang si Banana, na binigyan ng oportunidad, ay nakitang masyadong maingat sa kaniyang laro.  

Hanggang sa sumulpot ang usapang R7 comeback. Ito ay hindi imposible dahil parte pa rin naman siya ng RRQ. 

Ang diskusyon sa isang R7 comeback ay lumabas din sa Empeshow ngayong linggo. Tinanong ni Momochan, posible pa kayang magbalik si R7 sa MPL ID S11?  
“But you can’t force yourself because the pro player portion is huge. Meanwhile, I can only give this much, the rest is difficult to keep up with the children, I will surely be left behind by them,” sabi niya.  

“Unless the kids really want to accept that. I’m hot to see the kids (RRQ) lose doesn’t mean they want to play again. It’s more to the point of being annoyed like this, because I’ve felt in that position,” ani niya.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga updates tungkol sa MPL ID S11.