Patuloy ang pag-ikot ng mga haka-haka patungkol sa paglipat ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa ONIC Esports ng Indonesia, lalo na nang ianunsyo ng ONIC Philippines ang pagpapakawala nila sa manlalaro.

Malaking pagbabago ang nababadya sa roster ng ONIC PH, lalo na’t sumunod si Kairi sa pag-alis ng kanilang coach na si Denver “Yeb” Miranda at Mico “Micophobia” Quitlong.

Isa si Kairi sa mga pinakamagaling na junglers sa eksena. Bantog ang kanyang ipinamalas na galawan noong M3 World Championship, kung saan nagtapos sa ikalawang puwesto ang kanyang koponan. Ito rin ang sinariwa ng organisasyon nang ipabatid nila ang kanilang pamamaalam sa 17-taong-gulang na manlalaro.

Matapos lumisan sa ONIC PH, Kairi nasa Indonesia na ba?
Credit: Moonton

“Undeniably one of the world’s best junglers, we have no doubt you’d rise even higher. Your ONIC fam and fans will miss you,” sulat ng ONIC Philippines.

Kairi, maglalaro na nga ba sa MPL Indonesia?

Kamakailan ay may mga lumulutang na patunay na lumipad na papuntang Indonesia ang binansagang “The Future,” pagka-alis nito sa ONIC PH.

Sa isang report ng ONE Esports Indonesia, ipinagpareho ang background ni Kairi habang ini-interview sa isang turneo at ang background na kadalasang makikita sa mga livestream nina Muhammad “Butsss” Satrya Sanubari, Adriand “Drian” Larsen Wong, at Nicky “Kiboy” Fernando.



Namataan din ng ONE Esports Indonesia ang comment ni Jelita, manager ng ONIC Esports, na nagpapahiwatig sa pagdating ng manlalaro.

Palaisipan din ngayon kung paano mababago ng paglipat ni Kairi ang lineup ng ONIC Esports. Posible bang lumipat si Gilang “S A N Z” sa mid lane gaya noong SEA Games?

Matapos lumisan sa ONIC PH, Kairi nasa Indonesia na ba?
Credit: Moonton

Kung gayun man ang mangyari, saan mapupunta si Drian? Totoo rin kayang lilipat ang mid laner sa EVOS Legends?

Sa ngayon, wala pang opisyal na anunsyo patungkol sa roster ng ONIC Philippines at ONIC Esports para sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League.


Subaybayan ang mga balita patungkol sa roster changes sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.

BASAHIN: Alberttt, maglalaro nga ba bilang gold laner ng RRQ Hoshi sa MPL ID Season 10?