Ipinakita ni Pinoy jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol ang gilas niya sa kanyang debut season sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID). Matagumpay ang kampanya niya kasama ang koponan na ONIC Esports.
Si Kairi ang pinaka-consistent sa limang PH pros na nagtungo sa Indonesia at pinangunahan pa nga niya ang Yellow Hedgehogs patungo sa kampeonato sa MPL ID Season 10. Ito ang kauna-unahang kampeonato sa karera niya at kumubra pa siya ng dalawang Most Valuable Player awards–ang Regular Season MVP at Finals MVP.
Kilala sa pagiging malupit na assassin user, ipinamalas ng 17-year-old ang kanyang improvement ngayong season. Matikas na rin ang mga galawan niya sa mga non-assassin heroes at mas matalas na rin ang kanyang macro mechanics.
Bukod sa mga assassins, nagpasiklab siya sa paggamit ng tank junglers tulad nila Akai at Balmond.
Naiyak si Kairi matapos makuha ang kampeonato at Finals MVP sa MPL ID Season 10
Nakaganda ang ipinakitang performance ni Kairi sa playoffs. Makailang-ulit siyang gumawa ng high-mechanic plays nang hindi nasasakripisyo ang kanyang macro at matinik na decision making.
Hindi napigilang maging emosyonal ng dating ONIC PH player nang hirangin silang kampeon at masunggaban din niya ang Finals MVP award. Napaiyak siya nang talunin ng ONIC Esports ang RRQ Hoshi sa grand finals sa iskor na 4-2.
Pagkatapos ng laro, agad na tinanong ng ONE Esports si Kairi kung bakit ganun na ang kanyang nailabas na emosyon.
“Sa totoo lang, noong regular season pa lang, hindi ko inisip na maging MVP o best jungler. Pinatunayan ng pag-champion namin ng ONIC Esports na may kinalabasan ang hard work ko,” wika niya.
“Bakit ako naiyak? Sobrang grateful ko para sa mga nakuha kong achievements. Pero kahit marami akong naipanalong awards, hindi ako hihinto at gusto naming manalo ng international tournament, lalo na ‘yung M4,” dagdag pa niya.
Nagpakita ng kakaibang antas ng paglalaro sina Kairi at ONIC Esports sa MPL ID. Magagawa kaya nilang baliin ang sumpa sa mga international events noong nakaraang taon pagdating nila sa M4? Malamaman natin ‘yan.
Para sa Mobile Legends news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa artikulo mula sa ONE Esports Indonesia.
BASAHIN: Kung hindi si Kairi ang best Fanny sa MPL ID S10, sino?