Nanaig si Kairi “Kairi” Rayosdelsol ng ONIC Esports kontra kay Kyle Angelo “KyleTzy” Sayson ngBren Esports sa kanilang ibangan na dwelo sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Hawak ang kanilang assassin heroes sa Game 2, pinangibabawan ng Gusion ni Kairi ang Fanny ni KyleTzy at pinaandar ang 2-1 reverse sweep ng kasalukuyang hari ng MPL Indonesia kontra sa pambato ng MPL Philippines.


Gusion ni Kairi bumida sa panalo ng ONIC Esports sa MPLI 2022

Kairi
Credit: ONE Esports

Matapos ilista ang first blood sa serye sa likod ng Lolita ni Rowgien “Owgwen” Unigo, sinubukan ng Bren Esports na iselyo na ang kapalaran ng ONIC ID sa torneo sa pamamagitan ng pag-deny ng Fanny kay Kairi at ilagay ito sa kamay ni KyleTzy. Pero may natatago pang alas sa kanyang manggas si Kairi at ito ay ang Gusion.

Ipinamalas ng MPL Indonesia Regular Season at Finals MVP ang kanyang talas sa paggamit ng Holy Blade at sinindihan ang dominasyon ng Yellow Hedgehogs sa early game. Makailang-ulit nakapitas ng malaking target si Kairi at ginutom sa purple buff ang Fanny ni KyleTzy.

Matapos patumbahin ang Enhanced Lord sa 18th minute, walang takot na pumasok si Kairi at binitawan ang kanyang nakamamatay na combo para burahin ang tatlong miyembro ng Bren at mapuwersa ng ONIC ang series decider. Tumikada ang 17-year-old star jungler ng 10/1/11 KDA (84% kill participation), malinaw na angat sa 3/3/1 stats ni KyleTzy.

Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Swabeng damage at crowd control naman ang dala ng draft ng ONIC sa Game 3. Naging pangunahing source ng burst ang Aamon ni Kairi habang ang mid Akai at Lolita naman ang tiga-lock down sa mga miyembro ng Bren kaya naipako nila ang 21-6 panalo sa loob ng 17 minuto.

Babanggain ng ONIC Esports ang mananalo sa pagitan ng MPL Singapore champion RSG SG at MPL Malaysia runner-up Todak. Nagtapos naman ang kampanya ng (loser) sa 5th-8th place ng 20-team tournament na may premyong US$3,000 o nasa PHP175,000.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


BASAHIN: 1rrad nagpasiklab sa 2-0 sweep ng RSG PH kontra Team HAQ sa MPLI 2022