Hindi itinago ng ONIC Esports jungler na si Kairi “Kairi” Rayosdelsol na bagamat  nasa tugatog siya ng kaniyang Mobile Legends eksena ngayon, marami pa daw siyang gustong maabot sa kaniyang mabulaklak nang karera.

Ipinakita ni Kairi kung bakit isa siya sa pinakamahuhusay na MLBB pro players sa mundo matapos sumanib sa team bago magsimula ang MPL ID Season 10. Pinainit niyang muli ang makinarya ng Yellow Hedgehogs para tapusin ang regular season na numero uno sa standings, bago pangunahan ang pangkat na makabalik sa tuktok ng eksena pagkaraang gapiin ang karibal na RRQ Hoshi.

Credit: ONE Esports

Sa proseso, nagawa ng 17-anyos na pro ang hindi pa nagagawa ninuman sa MPL ID. Hinirang siya na Regular Season MVP, First Team Jungler at Finals MVP sa isang season. At bagamat hindi niya nakuha ang MVP gantimpala sa MPL Invitational 2022, malaking bahagi ang kaniyang play para mapanatili ang korona sa panig ng ONIC Esports at ng Indonesia.

Sa lebel na naaabot niya ngayon, patas ang tanong ng mga miron kung may epekto ba ito sa kaniyang gigil sa kumpetisyon.


Kairi inaming marami pang gustong maabot sa kaniyang MLBB karera

Sa isang maikling panayam kasama ang ONE Esports, inamin ng ONIC Esports jungler na patuloy umiiral ang kaniyang gigil na makamit ang mga tagumpay sa pagpapatuloy ng kaniyang karera bilang esports pro.

“I don’t know because… actually I don’t think so because my main goal is really big, which is to win lots of international tournaments,” aniya.

Credit: ONE Esports

Pag-aamin ni Kairi, mataas daw talaga ang kaniyang ambisyon kung kaya’t masigla at masigasig pa rin siya sa paglalaro. Pagtutuloy niya, “So I don’t think that the many individual titles I won in MPL ID S10 will change my ambition. I will not feel comfortable just because I have won many individual awards,”

Malaki ang maitutulong ng ganitong mindset ni Kairi lalo pa’t kahaharapin niya at ng kaniyang ONIC Esports ang makitid na M4 World Championship sa Jakarta ngayong Enero.

Susubukan niyang patunayan ang kaniyang gigil sa group phase tampok ang mapanganib na TODAK at dark horse teams na Malvinas Gaming at MDH Esports. Kung papalarin ay makakatagpo muli niya ang Blacklist International team na gumiba sa kaniyang ONIC PH noong nakaraang M3.

Anong lebel kaya ng gigil ang makikita natin kay Kairi kung mangyari ito?

Sundan ang pinakahuli sa M4 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Malaking bentahe ang bagay na ito para sa ONIC Esports sa M4