Nagbigay ng komento si ONIC Esports star jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol ukol sa pagkaka-demote ng kanyang kapwa Pinoy import at dating kakampi na si Gerald “Dlar” Trinchera mula sa EVOS Legends pababa sa EVOS Icon sa MDL Indonesia Season 6.

Isa pa naman sa pinakamainit na balita ang pagkaka-transfer ni Dlar papunta sa EVOS Legends roster sa MPL Indonesia Season 10. Marami ang naniniwala na malaki ang magiging impact niya sa White Tigers.

Ngunit sa tumatakbong regular season, nakapaglaro lang siya sa sumatotal na tatlong games sa dalawang serye, laban sa Geek Fam ID at ONIC Esports. Matapos matalo sa unang game kontra ONIC, pinalitan siya ni Sebastian “Pendragon” Arthur at ‘di na nakalaro ulit.

Credit: EVOS Esports

Pagkatapos maging reserve player, ni-relegate si Dlar sa MDL bago pa ang Week 6 ng MPL at pinalitan siya ni EVOS Icon counterpart Rizqi “Saykots” Damank. Marami ang nasorpresa sa anunsyong ito, lalo na ang Mobile Legends community sa Pilipinas.

Bagamat nagbigay na ng paliwanag si EVOS Esports VP Aldean “DeanKT” Tegar, marami pa rin ang nanghihinayang dahil naturang desisyon. At isa na nga rito ang kanyang former ONIC PH teammate na si Kairi.


Nagkomento si Kairi sa pagkaka-demote ni Dlar sa MDL ID

Kairi
Credit: Moonton

Ikinalungkot ni Kairi ang pasya ng EVOS Legends na i-demote si Dlar upang maglaro para sa EVOS Icon sa MDL ID S6. Sa isang live stream sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ng Pinoy star jungler ang kanyang saloobin sa pangyayari.

“Dlar sa MDL, guys. Sayang ang talent niya. Isa siya sa pinakamalakas na EXP laners. Hindi ko alam bakit siya nalipat sa MDL,” wika niya.

“Unlimited ang hero pool ni Dlar. Naglaro siya ng Uranus at Esmeralda pero baka dahil ‘yun ang tamang heroes para sa laro. Pero kaya niyang maglaro ng maraming heroes,” dagdag pa ni Kairi.



Sa mga nakaraang season, madalas gamitin ni Dlar sina Uranus at Esmeralda, at halos naidikit na nga sa pangalan niya ang mga nabanggit na hero. Pero sa M3 World Championship, gumamit siya ng limang heroes kahit pa 15 games lang ang nalaro ng ONIC PH dahil nga swabe lang ang naging group stage at upper bracket run nila patungo sa grand finals.

Sa tatlong games naman na nalaro niya sa MPL ID S10, gumamit siya ng Esmeralda nang dalawang beses at Uranus nang isang beses. ‘Di niya naipakita ang buo niyang potensyal kaya ganun na lamang ang naramdaman ni Kairi at marami pa sa Pinoy MLBB community sa naging desisyon ng EVOS Legends.

Para sa MLBB news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


BASAHIN: Dlar sa demotion patungong MDL: ‘May mga bagay pa akong kailangan matutunan’