Patuloy ang pagkinang ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).

Simula nang ipakilala siya bilang ang pinakabagong miyembro ng ONIC Esports, nadagdagan pa ang marami nang dahilan para subaybayan ang kanyang laruan. Isa na siya sa pinakahinahangaang jungler sa Pilipinas, pero nagkaroon ng mga tanong sa kung papaano siya makakapag-adapt sa bagong kapaligiran.

Pero matapos ang unang bahagi ng regular season, napatunayan ni Kairi na siya ang pinakamagaling na jungler sa gumugulong na liga.

Gaano man karami ang kill, mas importante pa rin kay Kairi ang objective

FACT: Si Kairi ang best Jungler sa unang bahagi ng MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Maaaring kagulat-gulat ang mga numerong naitala ni Kairi sa unang sabak niya sa MPL ID. Nang ianunsyo kasi na sa naturang bansa na siya maglalaro, maraming nag-akalang ipapamalas niya ang husay niya sa pagma-micro dahil tanyag ang pag-gamit niya ng mga Assassin. Pero napatunayan ni The Future na hindi sa aspetong ito siya angat bilang isang jungler.

So far sa tumatakbang season, Ling at Fanny pa lang ang mga Assassin na ginagamit ni Kairi. Ang iba ay mga jungler tank at fighter na gaya nina Akai, Balmond, at Paquito. Objective ang pokus ng mga ganitong klase ng hero, at patunay ang mga sumusunod na numero na mataas din ang lebel ng macro skill ng Pinoy.

HEROBESES NA NILAROKILLDEATHASSISTS
Akai57733
Balmond417125
Baxia1120
Fanny1413
Julian36615
Ling31125
Paquito11111

Patunay din ang mga talang ito sa maturity ni Kairi bilang player. Hindi niya kinulong ang sarili niya sa mga assassin at pintunayan na kaya niya ring maging isang team player.

Mataas na efficiency ni Kairi pag nagro-rotate

FACT: Si Kairi ang best Jungler sa unang bahagi ng MPL ID S10
Credit: Moonton

Pangalawa si Kairi sa mga jungler na may pinakamataas na kill at assists sa liga, sumunod kay Jehuda “High” Sumual ng Aura Fire. Pinangunahan naman niya ang listahan ng may pinakamababang bilang ng deaths maging ang KDA.

PLAYERKILLSDEATHSASSISTSKDA
Kairi4721926.62
Alberttt4126734.38
Celiboy5427644.37
Janaaqt3221534.05
Sutsujin2623573.61
High58521173.37

Kahit pa jungler o fighter tank ang madalas niyang gamitin, na madalas ay humaharap sa mga team fight, patunay ang mababa niyang death count sa kung gaano siya ka-efficient mag-rotate.

Hindi lang siya nakakaselyo ng kill o assist tuwing dumadalaw sa ibang lane, hindi niya rin binibigyan ng pagkakataong makabawi ang kalaban. Malaking factor ito para mapanatili ang kanilang lamang at mapababa ang tsansa ng pagbawi ng kanilang mga kalaban.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Buhay pa ang kampanya ng SIBOL MLBB sa IESF 14th WE Championship