Magbabalik sa entablado ang walo sa pinakamagagaling na Mobile Legends: Bang Bang teams sa Pilipinas sa pagbubukas ng MPL Philippines Season 11 (MPL PH S11) ngayong February 17, anunsyo ng liga sa kanilang social media accounts.

Kasabay ng paghahayag ng opisyal na pagbubukas ng pinaka-inaantabayanang Mobile Legends kumpetisyon sa bansa, nangako ang MPL PH na mas iigting at mas tatarik pa ang kumpetisyon sa dadakong season.

“Ngayong #MPLPH Season 11, we will reach greater heights. At kahit anong lakas pa ang ating naipamalas sa mga nagdaang season, papatunayan nating there is always room for development,” sulat nila sa social media.


MPL PH S11: ‘Epic tales, royalties and young bloods’

Credit: Moonton

Pagkaraan ang matagumpay na kampanya ng mga Pinoy team sa M4 World Championship, inaasahan na magiging dikdikan ang gugulong na bakbakan sa pagbabalik nila sa kanilang home league.

Susubukan ng world champions ECHO na ipagpatuloy ang kanilang dominasyon sa MPL PH S11, habang ang hari at reyna ng Blacklist International ay tatangkaing pabagain muli ang kanilang atake para hiranging 2 time back-to-back champions.

Credit: Moonton

Liban sa dalawang bigating teams, magkakaroon din ng pagkakataon ang BREN Esports, ONIC Philippines, Nexplay EVOS, RSG Philippines, TNC Pro Team ML at Smart Omega na tumindig para hiranging mga kampeon.

Manatiling updated sa MPL-PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 11