Hindi maipagkakaila na mas mahirap gamayin ang jungler na role sa Mobile Legends: Bang Bang lalo na sa mga baguhan.
Ang jungler ang source ng damage ng isang koponan. Kumbaga sa isang team sports, sila ang ace na sinasandalan ng mga kakampi para maselyo ang pagkapanalo.
Ang mga tungkulin ng jungler role sa MLBB
Maraming factors na kailangan i-consider ‘pag nag lalaro sa jungler role. Kailangang may matibay na pundasyon ang macro at micro mechanics ng manlalaro para mabuhat niya ang kanyang koponan patungo sa pagkapanalo.
Dahil mataas ang killing potential ng mga jungler, isa ang paghahanap ng kills sa mga main task ng jungler. Bukod dito, mahalaga rin ang pag-gamit ng Retribution para mapatay ang mga creeps sa jungle.
Paano laruin ang jungler role sa MLBB
So, paano nga ba maglaro bilang jungler kung baguhan pa lang? Narito ang ilang tips mula sa ONE Esports.
Mag-focus sa jungle
Tinatawag na jungler ang naturang role dahil importanteng ma-utilize mo ang mga buff, gold, at experience na makukuha sa pagpatay ng mga creeps na nasa jungle.
‘Wag sayangin ang oras na pumatay ng minions sa lane, lalo na sa unang limang minuto ng laban dahil mas mababa ang gold na makukuha. Epekto ito ng jungling equipment na binibili sa simula ng mga jungler.
Kasama sa obligasyon mo bilang jungler ang pag-secure sa turtle bago lumabas ang lord. Malaking tulong para makapagtala ng kalamangan ang buff, gold, at experience na makukuha sa pagpatay ng turtle.
Gamayin nang husto ang mga jungle hero
‘Di katulad dati, mas marami nang hero ngayon ang pwedeng ipang-jungle. Hindi na parati kailangang mahihirap na hero ang gamitin gaya ng Lancelot, Hayabusa, o Ling.
Pero kahit ganon, hindi pa rin lahat ng hero pwedeng ipang-jungle. Para sa mga beginner, makatutulong ang gaya nina Saber, Bane, Alucard, o Aldous. Importante lang na dapat i-master ang mechanics ng hero dahil makatutulong ito sa iyong paglalaro bilang jungler.
Tandaan na may sari-sariling bentahe ang bawat hero kaya’t marapat lang na gamitin ang mga ito sa abot ng iyong makakaya.
Ugaliing tumingin sa mapa at alamin kung kelan dapat mag-rotate
Gaya ng nabanggit kanina, hindi biro ang maglaro bilang jungle dahil sa dami ng factors na kailangan i-consider. Makatutulong naman para dito ang mga impormasyong maibibigay ng iyong kakampi at ng mapa.
Gamitin ang impormasyong makakalap sa mapa para makapag-rotate at maka-kill. Importante para sa mga jungler na ma-maximize ang potensyal nilang makapatay dahil nabibigyan nito ang kanyang koponan ng space para makakuha ng mga objectives.
Habang mas maraming napapatay, mas yumayaman ang jungler at mas tumataas din ang tsansa na manalo sa laro. Kaya ‘wag kang mahihiya na mang-ks (kill steal), dahil sa huli ay makatutulong pa rin ito sa iyong koponan.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: RRQ Hoshi sisimulan ang preparasyon para sa M4 sa MPL Indonesia Season 9