Inilabas na noong Tuesday, November 8, ang MLBB patch 1.7.32. Sa update na ito, maraming naganap na adjustments, buffs,a t nerfs sa mga heroes at nagbigay ng mas maraming options para sa players, lalo na sa mga naglalaro bilang jungler.
Sa MLBB ngayon, sinasabing ang pagpili ng jungler hero ang isa sa mga pinakaimportante sa simula ng game. Ito ay sa kadahilanang ang hero na ito ang bubuhat sa team.
Kung ang jungler ay ang magiging pangunahing damage dealer at tagakuha ng kill ng team, malaki ang maitutulong nito sa team upang makuha ang tagumpay.
Ngayon sa MLBB patch 1.7.32, mas marami nang pagpipiliang heroes upang punan ang role bilang jungler. Hindi lang mga assassins, ngunit makikita ulit natin ang mga tank junglers, gayun din ang fighters at mages na pwedeng gamitin sa posisyon na ito.
Mga hero na may potensyal maging jungler sa MLBB patch 1.7.32
Matapos ang update, muling sissikat ang jungler tank meta, kasabay ng mga buff na natanggap nina Baxia at Minotaur. Ang dalawang heroes na ito ang napupulsuhan na magiging pangunahing picks sa competitive scene kung gagamitin ang nasabing meta, na dating pinapangunahan ni Akai.
Maliban sa dalawang heroes na ito, isa pang tank hero nma maaaring maging option bilang jungler ay si Edith na kayang magbigay ng malakas na damage, kahit na papunta sa full defense ang kanyang item build.
Bago lumabas ang patch, nasaksihan sa ONE Esports MPLI 2022 ang jungler fighter meta. Naging epektibo ang pagpasok nina Leomord, Martis, at Paquito, na halos matabunan na ang Balmond jungler.
Sa pagdating ng bagong MLBB patch, inaasahang mas lalaki pa ang hero pool para sa jungler fighter meta, dahil na rin sa mga buffs na ibinigay kina Aulus, Fredrinn, at pati na rin si Yin.
Para naman sa mga mage heroes, malaki ang tsansang gamitin si Alice bling mainstay sa jungler role. Maaaring makakuha ang mage hero ng blood orbs mula sa mga jungle minions gamit ang kanyang passive na Blood Ancestry.
Bukod sa mga heroes para sa jungler role, inaasahan ding magbabalik sa kasalukuyang meta ang ibang heroes na tila nakalimutan na, tulad nila Carmilla, Florin, at Kaja sa roamer role, at Khalid naman sa EXP lane.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.