Hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.
Mukhang may nahanap talaga ang pro player na si Wise sa Jungle pick na ‘to noong MPL PH Season 10, dahil totoong “sure win” ang Jungle Valentina sa mga ranked games ngayon! Lalong-lalo na sa epic at sa legend ranks, dahil sa fast clear at sa burst potential ng hero na ‘to sa lahat ng estado ng laro, napapagana talaga ang Jungle Valentina ngayon.
Hindi lang ‘yan, syempre kasama na rin ang Ultimate ni Valentina, na alam naman nating napakalakas sa teamfights. Ang kagandahan sa Jungle Valentina nga lang ay “bonus” na lang ang ultimate, at kadalasan ay hindi mo na nga kakailanganing dumepende dito dahil sa napakalakas na Early Game potential ng hero na ‘to.
Item Build Para Sa Jungle Valentina
Pag dating sa mga items, simple lang naman ang kailangang gawin bilang Valentina jungle. Magandang i-rush ang Magic Shoes na may kaakibat na Ice Retribution. Ang pagbawas sa cooldown ay malaking tulong din sa pag spam ng second skill na Arcane Shade (bilang resulta, mas madami ring beses na maibabato ang first skill na Shadow Strike) ng Valentina, para din madaling makapag-clear ng Jungle Creeps.
Maganda pa ring unahin ang Shadow Strike para sa mabilis na pag-clear ng Jungle Creeps.
Isang bagay na kailangan tandaan din sa Valentina ay ang napakataas na potential nitong mag-poke gamit ang dalawang skills nito—at sa totoo lang, napakasakit ng poke na ‘to at maari pang makatulong sa pagkuha ng early skills. Importante rin ito para sa Passive Ability ng Valentina na nagbibigay ng malaking advantage sa EXP para lalo pang mag-snowball ang hero na ‘to.
Kaya nama’y sulit ang Enchanted Talisman bilang unang core item. Hindi ka mauubusan ng mana para sa spells, at dahil dito’y tuloy-tuloy ang pag-poke at pag-farm ng Hero na ‘to. Sakaling magkaroon ng maliliit ng clashes sa early game, malaki agad ang lamang ng Valentina.
Trabaho ng Jungle Valentina
Uulitin natin ang kailangan tandaan sa Valentina: Poke sa early game. Dahil sa range at pagiging spammable ng spells, malaking factor ang pag-poke bilang Valentina. Dahil na rin sa ideya na mayroon siyang double dash dahil sa kaniyang Skill 2, madaling maging aggresive sa early game. Sakto din, dahil sa Ice Retribution, maari itong magamit sa pagiging aggressive, o sa pagtakbo sa mga importanteng mga sitwasyon.
Pag dating sa Objectives, dito na dapat maging creative ang mga Valentina Junglers. Importante pa rin talagang maging mahusay sa retrihan (Retribution battle sa mga Turtle at Lord), pero kailangan mong matandaan na mataas ang damage mo sa heroes. Dahil dito, kailangan makahanap ka ng tamang timing at positioning para magulat at mabigla ang mga kalaban sa combo ng mga burst mo.
Sakaling makahanap ka ng good teamfight ultimates, maganda rin na maunahan mo na agad ang kalaban, lalo na’t mataas naman din ang damage mo sa mga heroes sa mga ganitong moments.
Pag dating naman sa Late Game teamfights, nangunguna din ang Valentina dahil sa kakayanan nitong mang-1hit delete ng mga Marksman o Mage (Gold Lane or Mid Lane), lalo na kung madadaan sa gulat at burst ng Valentina kapag nakakuha na ng complete set ng Items.