Simula ng dumating siya sa Land of Dawn noong May 4, 2022, kinakatakutan pa rin hanggang ngayon si Julian ng MLBB. Ganito rin ang kaso sa Legend tiers at pataas matapos ang Season 25.
Tulad ng ibang heroes, ang pagdating ni Julian sa Land of Dawn ay agad-agad na nirespeto ng mga players. Ang rason para dito ay kaunti pa lamang ang impormasyon at experience ng mga players sa paglaro at pagtalo sa hero na ito.
Ngunit matapos ang dalawang buwan niya sa Land of Dawn, ikinasisindak pa rin ng mga players ang presensya niya, kahit na nakatanggap ito ng mga nerf mula sa Moonton sa nakaraang dalawang patches.
At hanggang ngayon, nasa tuktok pa rin ng listahan ng mga most banned heroes si Julian sa lahat ng tiers sa MLBB, at kasama na dito ang Legend ay Mythic tiers.
May ban rate ang Fighter/Mage na ito na 90.98% para sa Legend tiers at pataas. Ang numero na ito ay malayo kay Wanwan at Karina sa top three na may tire rates na 76.1% at 61.25%.
Mga nerf kay Julian ng MLBB sa nakaraang dalawang patches
Sa pinakabagong MLBB patch na 1.6.94, nakatanggap ng matinding nerf si Julian mula sa Moonton. Ito ang mga detalye:
Passive – Smith’s Legacy
Spell Vamp bumaba mula sa 25% patungong 20%
Skill 2 – Sword at Enhanced Sword
Mas mababang Lifesteal efficiency kasama ang ibang AoE skills
Skill 3 – Chain
Ang base damage ng skill na ito ay bumaba mula sa 340-500 patungong 300-420.
Dalawang linggo matapos lumabas ang patch 1.6.94, nagdagdag ang Moonton ng isa pang patch at binigyan ng nerf si Julian muli. Ang rason ay dahil masyadong malakas ang hero na ito sa early at mid games, kaya nagpasya ang Moonton na babaan ang kaniyang damage sa iilang skills niya sa pinakabagong MLBB patch noong July 2022.
Passive – Smith’s Legacy
Extra magic lifesteal perhit: 20% -> 15%
Skill 1 (Enhanced)
Base damage in-adjust mula sa 100-240 patungong 80-220
Skill 3 (Enhanced)
Ang base damage ng skill na ito ay bumaba mula sa 300-420 patungong 250-370
Kahit na na-nerf si Julian ng ilang beses, kinakatakutan pa rin siya ng mga players. Bakit nga ba? Ito ang review.
Mga rason kung bakit kinakatakutan pa rin si Julian ng MLBB
Ang unang rason kung bakit takot pa rin ang mga players kay Julian ay dahil sa kaniyang kumpletong skill at mahirap itong tapatan.
Hindi lang sa isang bakbakan, ang abilidad niya ay mahirap mahagilap. Ang hero na ito, na sinasabi nilang anak ni Terizla, ay may kumpletong abilities, tulad ng damage mula sa first skill, crown control sa third skill, at dash sa second skill.
Dagdag pa diyan, isa rin siyang isang flexible na hero. Maari siyang gamitin bilang jungler, EXP laner, at Midlaner.
Sa ibang salita, ang pagpili kay Julian bilang first choice ay hinahayaan ang ibang kakampi mo na magkaroon ng iba’t-ibang pagpipilian na heroes. Sapat na ito para matalo ang mga kalaban sa draft pick pa lang.
Ang pinaka-importanteng dahilan rin ay ang kaniyang mabilis na cooldown skill, at ang hindi na niya kailangan ng masiyadong maraming mana.
Dahil dito, napaka-flexible niya sa paggamit ng skills sa isang maikling panahon, para sa pakikipaglaban at pagtakas. Isa itong malaking lamang para sa kaniya at sa team niya.
Kaya kahit na nabawasan ang damage ng kaniyang mga skills, hangga’t sa hindi nadagdagan ang cooldown ng kaniyang mga skills, tiyak na kakatakutan pa rin ang hero na ito.