Interesado ka ba na masterin ang paggamit kay Julian sa Mobile Legends: Bang Bang? Puwes, ibibigay namin sa inyo ang isang komprehensibong gabay sa paglalaro ng pinakabagong mage/fighter hero sa Land of Dawn.
Ang Scarlet Raven ang ikaapat na hero sa Forsaken Light alliance. Mahirap siyang i-master dahil mayroon siyang natatanging skill mechanism.
Wala siyang ultimate skill at maaari mo agad makuha ang kanyang 3rd skill kahit Level 1 pa lang. Bawat spell niya ay may Enhanced version na magagamit matapos mag-activate ng dalawa sa kahit anong skill niya. Kaya naman marami siyang skill combos na may kanya-kanyang advantage.
Upang ma-master si Julian, kailangan niyong sanayin ito nang lubusan. Ang magandang balita ay tutulungan namin padaliin ang inyong pagkatuto sa paggamit ng nasabing hero sa pamamagitan ng aming rekomendasyon na pinakamabisang emblems, battle spell, item build at skill combo.
Emblem para kay Julian
Ang damage mula sa lahat ng skill ni Julian ay lalong lumalakas sa pag-angat ng Magic Power kaya naman nababagay sa kanya ang Mage emblem.
Pagdating naman sa emblem talent, ang nakikita naming pinakabagay sa kanya ay ang Magic Worship. Mabilis niyang maa-activate ang burn effect nito dahil mabilis niyang nagagamit ang kanyang skills. Maaari ring maging crucial ang burn damage sa mga team fight.
Isa pang pagpipilian ay ang Mystery Shop. Piliin mo ito kung gusto mong mag-dominate sa early game dahil nagbibigay ito ng 10% discount sa lahat ng items sa shop kaya mabilis mong makukumpleto ang iyong core items.
Battle spell para kay Julian
Flicker ang optimal choice para kay Scarlet Raven kung ilalaro siya sa EXP lane dahil mas mababa ang kanyang survivability kumpara sa ibang EXP lane heroes. Makakatulong din ang battle spell na ito para makapag-initiate siya dahil bagay siyang ipang-pokus sa pagpatay ng mga kalaban sa backline.
Epektibo rin ang Execute kung nais mong maglaro nang mas agresibo at dominahin ang iyong lane pagsapit ng Level 3. Gayunpaman, minumungkahi naming kunin lang ito kung ang kalabang koponan ay kaunti lang ang crowd control abilities.
Item build para kay Julian
- Clock of Destiny
- Magic Shoes
- Genius Wand
- Brute Force Breastplate
- Calamity Reaper
- Oracle
Ang item build na ito ay pina-prioritize ang pagbawas ng cooldown at pagdagdag naman ng Magic Damage, kasama ang ilang defensive items para mapunan ang kanyang kahinaan sa depensa at hindi mag-alinlangan na pumasok sa mga clash.
Pwede ka ring bumili ng mga items na nagpapalakas ng basic attack tulad ng Calamity Reaper at Feather of Heaven dahil swak ito sa kanyang passive na Smith’s Legacy. ‘Di mo na rin masyadong kakailanganin ng spell vamp items dahil ang kanyang passive ay may 15% magic lifesteal ‘pag napatama niya ang kanyang skills sa kalabang hero at may hanggang 3 stacks ito.
Mabisang skill combo kay Julian
Pagdating ng Level 3, pwede mong i-spam ang Sword (2nd skill), Chain (3rd skill) at Enhanced Scythe (1st skill) para makabitaw ng malaking damage sa laning phase. Mabisa rin itong pang-secure ng kills sa mid hanggang late game. Kung outnumberd naman kayo, gumamit ng Chain, Scythe at Enhanced Sword para makaatake habang dina-dodge ang skills ng mga kalaban.
Sa mga team fight, i-activate ang Scythe, Sword, sabay Enhanced Chain para ma-slow at ma-knock up ang mga kalaban. Pagkatapos gamitin ang enhanced skill, kailangan mong umatake gamit ang basic attack para ma-maximize ang iyong damage. Gamitin ulit ang iyong mga skill ‘pag tapos na ang cooldown.
Maaari kang magkaroon ng hanggang 75% magic lifesteal salamat sa kanyang passive. Dahil dito, ‘di mo na kailangang tumakbo kung mababa ang iyong HP habang nakikipaglaban. Maliban na lang siyempre kung masyadong maraming kalaban o kaya dehado kayo pagdating sa items.
Para sa mas marami pang MLBB guides tulad nito, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.