Ipinakilala bilang Assassin ang Mobile Legends: Bang Bang hero na si Joy, pero may kanya-kanya na agad opinyon ang mga manlalaro sa kung paano nga ba siya dapat laruin.
Maraming player ngayon ang nilalaro ang hero na tinagurian Flash of Miracle bilang jungler o midlaner. Minsan, kung ang kalabang marksman ay walang mobility, sinusubukan si Joy bilang gold laner para masulit ang lakas nito sa early game.
Sa kabila nang lahat ng ‘to, may ibang ideya naman si Nicky “Kiboy” Fernando ng ONIC Esports.
Imbes na kasi laruin ito bilang assassin, sinubukan ng 20-taong-gulang na pro laruin si Joy bilang roamer na may defensive items. ‘Di kasi tulad ng mga hero sa parehong posisyon na may stun o disable sa kanilang kit, wala ang naturang hero na ‘to ng alin mang ‘yon. Kaya paano nga ba ito napapagana ni Kiboy?
Ganito laruin ang tank build na Joy, ayon kay Kiboy ng ONIC Esports
Sa isang livestream sa YouTube, ginamit ng roamer ng ONIC Esports ang mobility at dashes ni Joy para ma-invade ang jungle sa unang purple buff.
Bago pa matapos ng kalabang jungler ang naturang buff, natulungan na ni Kiboy ang kakampi niyang jungler na kunin ang lahat ng buff, maging ang Lithowanderer. Pinanatili niya ang pressure na ‘to, at pinunterya rin ang kalabang marksman sa mga team fight.
Kahit pa 0/2/7 lang ang KDA na kanyang naitala, hindi matatawaran kung paano na-delay ni Kiboy ang kalabang jungler, maging kung paano niya na-box out ito sa mga Turtle at Lord fight.
Para naman punan ang pagiging malambot ng hero, inuna niya ang Tough Boots at Oracle. Napalakas nito ang shield ng kanyang passive, kaya naman halos ‘di na ito mapatay ‘pag puno ang stacks. Sinundan niya ito ng Ice Queen Wand para sa slow.
Ang pinakamagandang item build para sa Roam Joy, base sa laro ni ONIC Kiboy
Natapos ang laro bago pa mabili ni Kiboy ang ika-apat niyang item na posibleng Glowing Wand.
Depende sa takbo ng laro, magandang option din ang Dominance Ice at Immortality lalo na kung walang hero na haharap sa kalaban tuwing team fight.
‘Di rin dapat kalimutan ang Winter Truncheon, na pwedeng ipalit sa Immortality kung cooldown, lalo na kung napatagal ang laban.
- Tough Boots na may Conceal
- Oracle
- Ice Queen Wand
- Glowing Wand
- Dominance Ice
- Immortality
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: EDWARD matapos hiranging MPL PH S10 Grand Finals MVP: ‘For me MVP talaga si Wise’