Buhay pa ang tyansa ng Geek Fam ID na makapasok sa playoffs ng Mobile Legends : Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) matapos nilang ibigay sa EVOS Legends ang ika-apat na sunod nitong talo.

Hindi gumana ang pasabog nila nang pagpalitin nila ng role ng gold laner at midlaner nilang sina Hafizhan “Clover” Hidayatullah at Darrel “Tazz DD” Wijaya noong huling dalawang mapa ng best-of-three series.

Dahil dito, na-reverse sweep sila ng koponan nina Allen “Baloyskie” Baloy at Jaymark “Janaaqt” Lazaro para mapanatiling buhay ang kanilang tsansa na makalagpas sa regular season, at pababain naman ang sa EVOS Legends.

Role switch ng EVOS Legends, ‘di gumana kontra Geek Fam ID

Ika-4 na sunod na talo ng EVOS Legends, inihain nina Baloyskie at Janaaqt ng Geek Fam ID
Credit: ONE Esports

Bago pa man ilabas ng EVOS Legends ang naturang pasabog, nagpahapyaw na si Gustian “REKT” sa baon ng dati niyang koponan.

Bigla kasing si Tazz ang gumamit ng Claude noong ikalawang mapa ng serye, habang si Clover naman ang tumao sa midlane gamit ang Valentina.

Sinubukan pa nga nilang kontrahin ang tatlong dash heroes ng Geek Fam ID gamit ang Phoveus pero wala sa mga plano nila ang naisagawa pag pasok sa bakbakan. Hindi rin nakaporma ang Ling ni Arthur “Sutsujin” Sunarkho, lalo na’t nang mag-online ang Aamon ni Janaaqt.

Ika-4 na sunod na talo ng EVOS Legends, inihain nina Baloyskie at Janaaqt ng Geek Fam ID
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Ang Pinoy jungler pa nga ang kinilalang MVP ng naturang mapa matapos niyang magtala ng game-high eight kills at team-high 71% kill participation.

Pinandigan ng EVOS Legends ang pagpapalit nina Clover at Tazz ng role pagpasok sa game two. Sinubukan ulit nila ang Claude sa gold lane, pero mas handa na ang Geek Fam ID para dito.

Pinangibabawan ng Irithel ni Dwi “Caderaa” Chandra ang gold lane match up, dahilan para mapilay ang EVOS Legends sa team fight. Nagtala ang manlalaro ng limang kills at tatlong assists nang hindi namamatay para hiranging MVP ng naturang mapa.

Ika-4 na sunod na talo ng EVOS Legends, inihain nina Baloyskie at Janaaqt ng Geek Fam ID
Screenshot ni Maouie Reyes/ONE Esports

Nag-ambag din ng game-high nine assists ang Pinoy roamer na si Baloyskie gamit ang Mathilda.

Kahit nananatili sa ilalim ng standings ang Geek Fam ID matapos ang ikapitong linggo ng MPL ID S10, may pag-asa pa rin silang makapasok sa playoffs.

Susunod nilang haharapin ang ONIC Esports a Rebellion Zion para sa huling linggo ng regular season.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: EVOS Legends lumagapak sa Week 5 at Week 6, ano nga bang nangyayari?