Isa sa Fredrinn sa kinikilingan ng pros sa MPL Philippines ngayon dahil ito ang isang perpektong halimbawa ng tempo hero. Pambihira kasi ang arangkada ng hero partikular na sa late game kung saan nagpapaunahan ang teams sa pagkuha ng objectives.
Dito tunay na nagniningning ang Fighter/Tank dahil sa utility na karga niya dulot ng kaniyang high HP, balanseng damage at ang epektibo nitong passive na Crystalline Armor kung saan 85% na damage natatanggap niya ay nagigign Crystalline Energy na kalaunan ay maaring maisalin sa damage output.
Ito ang madaling item build at maikling gabay para gamitin ang Fredrinn sa jungler role.
Diskarte sa Jungle Fredrinn: Item build at emblem set
Tank jungler ang tipikal na nakikita sa Fredrinn gawa ng kaniyang skillset partikular na ang nabanggit na passive skill nito. Kaya naman, sentro sa kaniyang item build ang mga gamit na makakadagdag sa kaniyang HP. Mainam ang pagkuha ng primerang items na Cursed Helmet at Guardians Helmet para makapronta sa team fights partikular na sa objective takes.
Flexible din ang item build sa hero dahil maaari itong palitan ng naaayon sa kalaban. May pagkakataon na ang tank jungler ay kinukuhanan ng Thunder Belt para sa karagdagang HP, Physical Defense at mahalagang 10% Cooldown Reduction.
Mas madalas na binubuo sa hero ang alinman sa Athena’s Shield o Radiant Armor para sa kargdagang Magic Defense, at para naman sa karagdagang Physical Defense, maaaring kumuha ng Blade Armor, Antique Cuirass.
Kung sentro ng lineup ng kalaban ang sustain, magandang kumuha ng Dominance Ice para mabawasan ang kanilang regeneration. Sa dulo, magandang opsyon ang Immortality para sa late game insurance.
Para naman sa kaniyang emblem set, epektibo ang pagkuha ng Demon Slayer talent sa ilalim ng Jungler Emblems para sa karagdagang damage sa neutral creeps gayundin sa damage reduction kontra sa mga ito.
Sundan ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa iba pang MLBB Guides.
BASAHIN: MLBB 101: Ano ang Turtle sa Mobile Legends at bakit mahalagang makuha ito ng team mo?