Hindi man pangunahing opsyon sa gold lane, hindi maikakaila na nakakatakot ang Brody sa gold lane lalo na kung mahahawakan ng magaling na player. Kaiba sa heroes sa kaniyang class, hindi nakadepende sa attack speed ang hero kundi sa kaniyang skills at physical damage.

At kung tama ang item build at diskarte mo sa paggamit ng Lone Star, tiyak na mangangaray ang sinumang makakaharap mo.


Diskarte sa Gold Lane Brody: Item build at emblem set

Credit: Moonton

Isa ang Brody sa pinakamalakas na early game poke hero at single-target marksman dahil sa kaniyang Abyss Corrossion passive kung saan kargado ang bawat damage niya ng mas mataas na Physical Damage. Ngunit hindi lamang ito ang matatanggap ng kalaban kapag natamaan ito ng kaniyang Basic Attack o ng Abyss Impact skill.

Mamamarkahan din ang kalaban ng Abyss Mark na kapag naipon ng apat na stacks ay siguradong mapupuwerhisyo kapag pinakawalan ng Brody ang ang Torn-Apart Memory Ultimate.

Kaya ang Lone Star, kinakailangang pumondo ng maagang physical attack items para mapagulong ang pambihira nitong early game. May mga pagkakataong makikita sa high-level leagues tulad ng MPL PH ang pagkuha sa maagang Blade of Heptaseas o di kaya naman ay Hunter Strike para sa ambush damage at movement speed.

Credit: ONE Esports

Paparisan ito ng Blade of Despair at ng Malefic Roar na magpapaigting lalo sa damage na karga ng marksman. Kung mabubuo mo ang item build na ito ng mas maaga, tiyak na nasa panig ng team mo ang momentum dahil sa puntong ito ay nakarating ka na sa power spike ng hero at mahuhulma ang resulta ng team fights at makakatulong sa objective takes.

Gayunpaman, kung anong tindi ng damage ng Brody ay gayon namna ang lambot ng hero kagaya ng ibang karakter sa kaniyang class. Madalas na susubukan ng kalabang team na agad na maabot ka sa backlines sa lahat ng pagkakataon, kaya kailangan mo ng ilang defensive items.

Ilan sa mga opsyon mo ang pagbuo ng Wind of Nature para sa Physical Damage immunity at karagdagang attack speed. Kung may magic burst ang kalaban, mainam naman ang pagbuo ng Athena’s Shield o Immortality para sa late game insurance.


Emblem set ng Gold Lane Brody

Magandang parisan ng Killing Spree talent sa ilalim ng Assassin Emblem set ang Brody dahil bukod sa pinapatindi nito ang attack damage at movement speed mo, malaking abante din ang 15% HP boost at 20% movement speed kapag nakakapatay ka ng kalabang hero.

At dahil ikaw ang primerang damage dealer sa team mo, madalas na magproproc ang Killing Spree para bigyan ka ng kaunting regen lalo na sa mahahabang team fights.

Para sa iba pang hero guides at item builds, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Ang ultimate Miya combo na panggulat sa mga kalaban