Lesley ang hero na nagsilbing susi para sa tagumpay ng ONIC Esports sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).

Tinalo ng mga hedgehog ang RRQ Hoshi para maselyo ang ikatlo nilang tropeo sa liga. Sa huling mapa ng best-of-seven, ginamit ni Calvin “CW” Winata ang revamped marksman hero. Nakapagtala ang manlalaro ng Maniac para matulungan ang kanyang koponan na maagaw ang korona mula sa King of Kings.

Bilang pagbabalik-tanaw, narito ang emblem at item build ng Lesley ni CW sa grand final ng MPL ID S10.


Emblem build ng Lesley ni CW ng ONIC Esports

Item build ng Lesley na nagpa-champion sa ONIC Esports sa MPL ID S10
Credit: ONIC Esports

Gaya ng nakagawian, Marksman emblem ang gamit ni CW sa kanyang Lesley. Kinuha niya ang Bravery at Agility na sub talents, na nagbigay sa kanya ng physical attack at movement speed—dalawang bagay na nakatulong sa unang bahagi ng laban.

Pero sa katunayan, makabuluhan ang dagdag bilis hanggang sa late game. Importante kasi ang posisyon sa mga Marksman at mapapadali nito ang pag puwesto kung mas mabilis ang hero.

Para sa main talent, Weapon Mastery ang pinili ni CW. Napapalakas nito ang damage output ng Lesley sa tulong ng mga item na bubuuin nito.


Item build ng Lesley ni CW ng ONIC Esports

Item build ng Lesley na nagpa-champion sa ONIC Esports sa MPL ID S10
Credit: Moonton

Ang item build ng Lesley ni CW ay nagsimula sa Windtalker at Berserker’s Fury. Binuo niya muna ang dalawang ‘to bago pa bumili ng Boots. Sakto ang passive skill ng hero na Lethal Shot sa passive skill ng Windtalker na Typhoon. Dagdag heal at movement speed bonus kasi ang nakukuha ng naturang Marksman dahil dito.

Para naman sa mga team fight bandang mid game ang Berserker’s Fury. Napapababa ang cooldown ng Typhoon dahil sa dagdag Crit Chance na nabibigay ng item na ‘to.

Pagtapos nito, Magic Shoes ang sinunod ni CW sa item build ng Lesley niya. Ito ay para masulit ang kanyang skills na pangunahing pinagkukunan niya ng damage.

Item build ng Lesley na nagpa-champion sa ONIC Esports sa MPL ID S10
Credit: MPL ID

Sumunod sa item build ng Lesley ni CW ay ang Endless Battle. Nakatutulong ito para mapatagal ang hero sa mga team fight salamat sa lifesteal na bigay nito.

Ang dalawang huling item naman ay Blade of Despair at Hunter’s Strike. Ang nauna ay ang item na may pinakamataas na bigay na physical damage, habang physical penetration naman ang bigay ng ikalawa.

Sineselyo ng dalawang huling item na ‘to ang kakayahan ng Lesley na magbigay ng mataas na damage output sa late game. Bukod dito, may movement speed din ang Hunter’s Strike, bagay na sadyang mahalaga sa bawat oras ng laro.



Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MPLI 2022 Captain’s Draft: Ito ang makakaharap ng Pinoy teams sa gugulong na kumpetisyon