Hinahanap-hanap ngayon ang tamang item build kay Minsitthar matapos siyang i-revamp sa Mobile Legends: Bang Bang.
Ngayon, pwede na niyang magbigay ng stun sa fifth stack pagkatapos mag-perform ng skill o basic attack. Malaki rin ang pinsalang naidudulot sa oras na iyon at nagbibigay ng regen effect sa hero. Binigyan din ng bagong effect ang kanyang passive ability.
Sa unang araw ng playoffs ng MLBB Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11), ramdam na kahalagahaan ni Minsitthar. Gamit na gamit ito ng mga EXP laner ng mga nagtagumpay na koponan—sina Rafly “PAI” Sudrajat ng Alter Ego at Rizqi “Saykots” Iskandar ng EVOS Legends.
Nakapagtala ng 100-porsyentong win rate ang hero sa dalawang laro. Patunay ito sa lakas ng hero sa naturang role, lalo na’t kung paparesan ng Tenacity talent mula sa Tank emblem.
- Blacklist determinado raw itumba ang Bren sa Week 8 para malagay sa naaayong posisyon sa MPL PH playoffs
- OhMyV33NUS bumida para sa Blacklist sa Week 7, itinanghal na Razer Gold Player of the Week
Ang tamang item build kay Minsitthar ayon kay Saykots
Ano nga ba ang pinakamahusay na build item para kay Minsitthar? Tingnan natin kung paano nga ba ito nilaro ng EXP laner ng EVOS Legends na si Saykots.
Ginamit niya si Minsitthar para kontrahin ang Joy ni Luke “LUKE” Valentinus nang makaharap nila ang Geek Slate. Direktang counter ang bigay ng ultimate ni Minsitthar na King’s Calling dahil hindi pwede mag-dash ang sino mang hero na mahuhuli dito.
Dahil sa kakunatang ibinibigay ng Tenacity at second skill na Shield Assault na nagbibigay ng damage reduction, pinili ni Saykots na unahin ang paggawa ng magic defense items upang lalong mapawalang-bisa ang damage ng Joy at Yve ni Valent “Aboy” Putra.
Bumuo rin siya ng damage items gaya ng Corrosion Sycthe na bagay sa opensang ibinibigay ng Shield Assault. Kumuha rin siya ng Queen’s Wings at Immortality, at Cloak para sa huling slot, na maaaring gawing Athena’s Shield o Oracle.
Gamit ang nabanggit na item build kay Minsitthar, matagumpay na nagamit ni Saykots ang potensyal ng revamped hero.
Item build kay Minsitthar a la Saykots ng EVOS Legends
- Tough Boots
- Radiant Armor
- Corossion Sycthe
- Queens Wing
- Immortality
- Oracle/Athena Shield
Gagamitin mo ba ang item build kay Minsitthar ni Saykots? Ipaalam samin ang build mo sa opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: Geek Slate ni-reverse sweep ng EVOS Legends sa MPL ID S11 playoffs