Hindi kaila na nasa delikadong posisyon ngayon ang Aura Fire sa MPL Indonesia Season 11. Natatangi ang koponan bilang team na bigo pa ring makakuha ng panalo sa gumugulong na season, kung kaya’t ang ilang AuraFams, nangangamba na baka maulit ang masalimuot na naganap noong MPL ID Season 7.
Sa nasabing season, natagpuan ng Fire Dragons ang kanilang mga sarili sa dismayadong 0-14 win-loss record. At ngayong season, tinataya na sa parehong lugar dadaong ang koponan ni Facehugger na sa pagtatapos ng Week 2, ay tinanggap ang ikalima nilang sunod na pagkatalo sa kamay ng ONIC Esports.
At hindi maiiwasang mag-alala ng mga miron sa performance ngayon ng team. Bilang third placers sa dalawang magkasunod na MPL seasons, inasahan na sila ang bubuwag sa kasalukuyang power structure ng liga. Ano nga ba ang nagaganap sa team?
Dahilan kung bakit wala pa ring panalo ang Aura Fire sa gumugulong na season
Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap si ang coach ng Aura Fire na si Reza Pahlevi upang malaman ang nangyayari sa kaniyang team. Sa eksklusibong panayam, hindi itinago ng coach na may pinagdadaanan silang mabigat na isyu.
“There is one big problem that we actually predicted and tried to solve, but the prepared plans failed. Like it or not, we immediately swerved like changing roles and so on,” kweunto ni Pahlevi.
Ang naturang isyu, piniling hindi tukuyin ng Aura Fire coach. Gayunpaman, nakalinya ang kaniyang komento sa ginawa ng team sa unang dalawang linggo ng season.
Maraming ginawang mga pagbabago ang team, at pangunahin sa mga ito ang pinagulong nilang role change kung saan si High, ang primerang jungler ng team, ang humawak ng roamer position bilang kapalit ni God1va na pinaupo kontra ONIC at RRQ Hoshi.
Samantala si Kabuki naman ang pumuno ng jungler role at si Caid ang tumao sa gold lane.
Hindi naging epektibo ito sa harap ng Kingdom, ngunit kontra sa mga pambato ng SONICS, nagawa ng team na makapuntos.
Dagdag ni Pahlevi ukol dito, “In this season, we can say that we have lost our start and are quite shocked by the MPL, which is now only six weeks old. So we just do what can be done in these conditions.”
“Regarding why you have to change the roles of several players, I can only say like it or not,” paliwanag pa ng Aura Fire coach.
May sinyales na kayang sumabay ng Aura Fire
Hindi perpekto ang naging atake ng Aura Fire kontra sa ONIC Esports ngunit napatunayan lamang nila sa serye na maaari silang makipagsabayan sa pinakamalalakas na teams sa liga.
“For today’s performance, you can say that you are not happy or satisfied, but seeing the progress, it is quite impressive. Kabuki and High have only played for three days in their new roles, our opponents are also in the top 2. Being able to offer resistance is progress,” banggit ni Pahlevi.
Hindi madaling makaangat mula sa minus 7 games behind ngunit sa kaunti pang adjustment at paglilinis ng kanilang galaw, buhay pa rin ang kanilang tiyansa na makalahok sa playoffs.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Coach Zeys inihayag ang tunay na shotcaller ng EVOS Legends; Hindi raw ito si Saykots