Ito na ang pagkakataon mong magkaroon ng official merch ng pinakamainit na Mobile Legends: Bang Bang virtual music group na S.T.U.N.!
Ang Philippine techwear brand na SNK ATK at Moonton ay nagsanib-pwersa para ihatid ang officially licensed 515 Eparty capsule collection.
515 Eparty capsule collection
Ang collection ay binubuo ng jackets, shirtsd, at face masks. Ito ang magandang kombinasyon ng techwear, streetwear, at “geekwear” para sa mga mahilig sa fashion at MLBB.
Karamihan sa mga designs sa collection ay may 515 Eparty logo kasama ang members ng S.T.U.N. Kahit na sino kina Brody, Chou, o Selena, bawat design ay siguradong kapansin-pansin.
Pananaw ng SNK ATK para sa 515 Eparty capsule collection
Sa isang panayam sa ONE Esports, sinabi ng owner at co-founder na si Dwight Santos na gusto nilang ipakita ang wearable crossover sa pagitan ng gaming at fashion.
“We poured a lot of our own DNA into the collection, while staying true to the source material from MLBB’s recent 515 eParty event,” sabi ni Dwight.
Bagamat tinitignan ang techwear bilang high end na genre ng fashion, idiniin ni Santos na mas abot-kaya ang kanilang brand, sa kabila ng magandang quality at style.
“Collaborations are a huge responsibility. We see ourselves as caretakers of every brand we collab with, and we take that responsibility very seriously,” dagdag nya.
Ang collection ay available na for pre-order worldwide. Ito ay opisyal na magiging available sa June 30, 2021.
Ang presyo ay umaabot mula US$11.99 hanggang US$115. Tignan ang kanilang official website para mag pre-order.