Tukoy na ang mga manlalarong bumubuo sa Indonesian MLBB National Team, pero marami ang nasurpresa sa koponang binuo ng coach na si Bjorn “Zeys” Ong.

Maraming nag-akala na mula sa isang koponan lang manggagaling ang mga manlalaro, gaya ng ginawa noon ng EVOS Esports sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF).

Nakapag-uwi ng ginto ang koponan nito matapos talunin ang SIBOL, pero sa pagkakataong mula sa iba’t-ibang koponan galing ang mga manlalaro, gaya noong Southeast Asian Games, pilak lang ang napapanalunan nila.

Ito ang dahilan ni Zeys bakit mula sa iba't-ibang koponan ang players ng Indonesian MLBB National Team
Credit: ONE Esports

Kumuha si Coach Zeys ng tatlong EVOS Legends players, dalawang RRQ Hoshi players, at dalawang ONIC Esports players para mabuo ang Indonesian MLBB National Team. Gagabayan ang mga ito nina Coach Stenley “TaxStump” Hermawan ng EVOS Legends at Adi “Acil” Asyauri ng ONIC Esports.


Ang paliwanag ni Zeys sa pagbuo ng Indonesian MLBB National Team

Ito ang dahilan ni Zeys bakit mula sa iba't-ibang koponan ang players ng Indonesian MLBB National Team
Credit: ONE Esports

Sa isang livestream, ikinwento ni Zeys ang mga dahilan sa likod ng kanilang desisyon na bumuo ng koponan mula sa iba’t-ibang players. Mahabang proseso raw ang pinagdaanan ng pagpili, kaya’t di sila pwedeng magkamali.

“Ini sudah tak mungkin salah. Kami sudah scrim 225 game untuk seleksi pemainnya. Dan semua pelatih sudah setuju, para player rata-rata juga setuju,” paliwanag niya.

(‘Di pwedeng mali ito. 225 games an ini-scrim namin para sa player selection. Lahat ng coaches ay sumang-ayon, pati ang mga average player.)

“Kami sudah coba semua dan ini yang terbaik untuk Indonesia. Kenapa tidak satu tim saja? Sebenarnya kami sudah coba satu tim dan all-star. Performa All-star masih lebih baik dari satu tim.”

“Kami sudah coba full ONIC, EVOS Legends, atau RRQ. Tapi performa All-star ini memang lebih bagus dari ketika dimainkan satu tim,” dagdag ni Coach Zeys..

(Ginawa namin ang lahat at ito ang mas makabubuti para sa Indonesia. Bakit hindi na lang isang team? Sinubukan namin ang isang team at isang all-star. Mas maganda ang performance ng All-star kesa sa isang team.)

(Sinubukan namin ang buong ONIC, EVOS Legends, o RRQ. Pero ang all-star performance ay ‘di hamak mas maganda kesa sa isang team.)


Ang mga manlalarong bubuo sa Indonesian MLBB National Team

Ito ang dahilan ni Zeys bakit mula sa iba't-ibang koponan ang players ng Indonesian MLBB National Team
Credit: PB ESI
  • Rizqi “Saykots” Iskandar
  • Jabran “Branz” Wiloko
  • Rachmad “DreamS” Wahyudi
  • Calvin “VYN”
  • Albert “Alberttt” Iskandar
  • Gilang “SANZ”
  • Nicky “Kiboy” Fernando

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: SIBOL MLBB team para sa ika-32 SEA Games bubuuin ng BREN Esports plus Ryota