Isa si Rizqi “Saykots” Damank sa mga kapansin-pansing players ng Mobile Legends: Bang Bang sa International Esports Federation 14th World Esports Championship (IESF 14th WEC), dahil ito sa katangi-tangi niyang performance sa Indonesian MLBB team.

Hindi madali para sa isang EXP laner ang makakuha ng atensyon, ngunit nagawa ito ni Saykots.

IESF 14th WEC Controllers
Credit: ONE Esports

Isa pang kapansin-pansin na pangyayari sa tournament ay ang regulation ng IESF kung saan ang mga phones na gamit sa MLBB tournament ay mga Android device at hindi tulad ng nakasanayan ng mga players na ginagamit sa MPL. Sa halip na iPhone ay Samsung Galaxy S22 Ultra ang tournament legal device para sa MLBB event na ito.

Ang isyung ito ay maraming beses nang pinag-usapan, magmula pa sa Malaysia hanggang sa Pilipinas, maraming lumabas na hinaing sa mga nagdaang mga interview.

Saykots ng Team Indonesia nagbigay opinyon tungkol sa problema sa device sa IESF 14th WEC

Inamin ng coach ng Team Malaysia na si Amoux na mabigatang pag-a-adjust ang ginawa ng kanyang team sa paggamit ng mga device sa tournament. Napatunayang hindi ito pinakamainam na gamitin para sa event na ito.

SIBOL IESF 14th WEC
Credit: Garudaku ESI

Nagsalita rin si Kiel “OHEB” Soriano tungkol sa isyu na ito sa isang panayam. Para sa kanya, naging malaking problema ng SIBOL ang mga phones at headsets na ginagamit nila habang naglalaro.

Ngunit taliwas dito, hindi naman nangangamba ang captain ng Indonesian national team na si Saykots. Matapos manalo nang 2-1 laban sa Cambodia at masiguro ang kanilang pwesto sa grand finals, nagsalita ang dating Morph player tungkol sa device.

Saykots IESF 14th WEC
Credit: IESF

“There’s no problem (about the device), it’s safe,” malinaw niyang sinabi.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang lahat nang mga players sa Indonesia ay nasanay na maglaro sa mga Android device noong sila’y nagsisimula pa lang. Kung kaya’t hindi naging problema para sa kanila ang klase ng device na ginagamit ngayon sa tournament.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.