Isa ang Mobile Legends: Bang Bang sa mga titulong tampok sa World Esports Championship 2022 ng International Esports Federation.
Tampok sa IESF WEC 2022 MLBB ang mga pambato ng iba’t-ibang bansa para paglabanan ang nakatayang papremyo, maging ang karangalan bilang pinakamagaling sa napiling laro.
Walong koponan ang ang maglalaban-laban sa naturang turneo, na nakatakdang ganapin sa Bali, Indonesia. Narito ang iba pang detalye na kailangan mong malaman tungkol sa paparating na turneo.
- OHEB sa dapat asahan sa kaniya sa IESF WEC 2022: ‘Class S na, mas pinalakas’
- MLBB team ng SIBOL para sa 14th WE Championship ng IESF, ipinakilala na
Schedule at resulta ng IESF WEC 2022 MLBB
Nakatakdang iraos ang IESF WEC 2022 MLBB simula ikatlo hanggang ika-11 ng Disyembre.
Mula sa naunang format, kung saan kailangan pa dumaan ng mga kalahok sa group stage, binago ito ng organizer para maging double-elimination na playoffs, kung saan maglalaban-laban ang Camboadia, Namibia, Malaysia, Vietnam, Slovenia, Argentina, Indonesia, at Philippines, sa ilalim ng national esports team na SIBOL.
Upper Bracket Quarter-Finals
December 3, 2022
Team | RESULTA | KOPONAN |
Namibia | 0 — 2 | Cambodia |
Malaysia | 2 — 0 | Vietnam |
Slovenia | 0 — 2 | Argentina |
December 4, 2022
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Philippines | 0 — 2 | Indonesia |
Lower Bracket Round 1 (LB R1)
December 4, 2022
KOPONAN | SCHEDULE/RESULTA | KOPONAN |
Namibia | 0 — 2 | Vietnam |
Slovenia | 0 — 2 | Philippines |
Upper Bracket Semifinals (UB-SF)
December 5, 2022
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Cambodia | 2 — 1 | Malaysia |
Argentina | 0 — 2 | Indonesia |
Lower Bracket Quarterfinals
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Malaysia | 2 — 0 | Vietnam |
December 6, 2022
Lower Bracket Quarterfinal
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Argentina | 0 — 2 | Philippines |
Lower Bracket Semifinals
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Malaysia | 0 — 2 | Philippines |
Upper Bracket Final (UBF)
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Cambodia | 1 — 2 | Indonesia |
December 10, 2022
Lower Bracket Final (LBF)
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Cambodia | 0 — 2 | Philippines |
December 11, 2022
Grand Final
KOPONAN | RESULTA | KOPONAN |
Indonesia | 3 — 0 | Philippines |
(Ang bahaging ito ay babaguhin pa.)
Format ng IESF WEC 2022 MLBB
Nagkaroon ng pagbabago sa format ng turneo para sa MLBB. Ngayon, binubuo na ng walong koponan ang paligsahan mula sa walong bansa. Apat dito ang galing mula sa mga qualifier (Malaysia, Namibia, Slovenia, at Argentina), habang ang natirang apat naman ay direktang inimbita (Cambodia, Vietnam, Indonesia, at Pilipinas).
Nagsagawa ng draw ang organizers para matunton ang matchup ng mga bansa. Sasabak ang mga ito sa double-elimination playoff bracket, kung saan ang lahat ng serye ay best-of-three, maliban sa grand final na best-of-five
Mga bansang kalahok sa IESF WEC 2022 MLBB
BANSA | QUALIFICATION |
Cambodia | Imbitado |
Malaysia | Asia Championship |
Namibia | African Championship |
Vietnam | Imbitado |
Slovenia | European Championship |
Argentina | PANAM Open |
Indonesia | Imbitado |
Philippines | Imbitado |
Saan mapapanood ang IESF WEC 2022 MLBB?
Masusubaybayan ang turneo sa opisyal na YouTube channel ng Garudaku ESI at Twitch channel ng IESF.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.