Maraming mga mata ang nakatutok ngayon sa MLBB national team ng Indonesia. Umani sila ng papuri dahil sa kanilang mahusay na performance na ipinakita sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF 14th WEC).

Bago magsimula ang tournament, marami ang nagduda sa kakayahan nina Rizqi “Saykots” Damank at kanyang mga kasama, ito ay dahil sa hindi magandang performance ng EVOS Legends sa nagdaang MPL season. Gayunpaman, pinatunayan nila sa IESF 14th WEC na karapat-dapat silang maging kinatawan ng Indonesia.

Indonesia MLBB National Team IESF 14th WEC
Credit: IESF

Tatlong sunod-sunod na panalo ang nakuha ng team. Makikitang naging sakit ng kanilang mga ulo ang Team SIBOL at Cambodia ngunit nagawa nila itong malampasan.

Dahil dito, ang Indonesian MLBB team ang unang nakasiguro ng kanilang pweston sa grand finals na gaganapin sa Sunday, December 11.

Indonesia MLBB National Team IESF 14th WEC

Naghihintay sila ng mananalo sa pagitan ng SIBOL at Cambodia sa lower bracket. Nakuha rin ng Indo ang 1-point advantage, nangangahulugan na magsisimula ang grand finals sa score na 1-0 para sa Indo.

IESF 14th WEC finals gaganapin sa umaga, handa ba ang Team Indonesia?

May isang problema na iniisip rin ng marami. Ang grand finals ng IESF 14th WEC ay gaganapin sa umaga, 9:00 a.m. GMT+8.

Hindi ito karaniwang oras para sa paglalaro ng mga pro players, dahil kadalasan, ang pinakamaagang simula ng karamihan nang tournaments ay 11:00 a.m.

Indonesia vs Philippines IESF 14th WEC
Credit: Youtube/Garudaku ESI

Gayunpaman, naranasan ng Indonesia na maglaro nang 10:00 a.m. laban sa Team SIBOL sa kanilang unang match. Magiging problema ba ang pagsisimula nang ganito kaaga? Dahil karamihan nang players ay naglalaro ng scrim at ranked sa gabi.

Nagsalita ang manager ng MLBB Indonesia National Team na si Aji “SOA” Wicaksono at sinigurado na hindi magiging problema para sa team ang maagang schedule ng laro.

Team Indonesia IESF 14th WEC
Credit: ONE Esports

“Regarding the final at 9 am Bali time, for the Indonesian MLBB national team, it doesn’t matter. Because we are familiar with the training schedule during the national plate, where athletes are required to use morning exercises or gyms,” sabi ni SOA sa ONE Esports.

“It’s just a matter of how we manage the schedule of sleeping hours and training so that players don’t get tired and stay in shape,” sabi niya.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.