Naging magandang opsyon ang paggamit ng Bruno sa Mobile Legends sa mga nakalipas na competitive tournaments. Makati kasi ang kargang damage ng marksman sa gold lane, mapa-1v1 sa laning stage o pagdako ng late game kung saan sangkaterba ang maibubuhos nitong damage lalo na kung nasa free hit position.

Mabisa itong opsyon lalo na kung tinaggal sa drafting ang pinapaborang marksmen tulad ng Melissa, Cluade, Wanwan, Irithel at Beatrix. Pambihira din kasi burst down capability ng hero lalo na kung maaalagaan ang kaniyang scaling.

Credit: Moonton

Pinakahuling namataan ang karakter sa international competitive play ng isalang ito ng Geek Fam ID gold laner na si Mohammad “Caderaa” Pambudi sa Grand Finals bakbakan sa MPL Invitational 2022 kung saan matagumpay niyang hinawakan ang Claude para makuha ang unang mapa ng serye.


Hybrid Build para sa Bruno base sa laro ni Caderaa sa MPLI 2022 Grand Finals

Credit: ONE Esports

Pambihira ang ipinakitang performance ng Geek Fam ID sa dumaos na MPLI 2022 kung saan nalampasan nila lahat ng ekspektasyon. Sa nasabing kampanya, susi ang plays ni Caderaa para dalhin ang 8th place finisher ng MPL ID Season 10 sa Grand Finals ng prestihiyosong event.

Sa grand finals serye kontra sa bigating ONIC Esports, natagpuan ng Geek Fam ID ang kanilang sarili sa dehadong sitwasyon nang i-ban ng Yellow Hedgehogs ang Wanwan, Melissa at Irithel ng gold laner. Kinailangan din nilang tanggalin sa laro ang Claude sa pagkakataong ito, kaya naman napakakaunti ng opsyon para kay Caderaa sa unang mapa.

Gayunpaman, pinatunayan ng batang pro ang kakayahan ng Bruno sa meta play sa puntong iyon.  Bida ang kaniyang Bruno na kinalampag ang MPL ID S10 champions gamit ang marksman na pumukol ng game-high 139,910 damage, katuwang pa ng 781 gold per minute para buuin ang 9/2/9 KDA.

Credit: ONE Esports

Sa naturang game, pinili ng Geek Fam ID pro ang Weapon Master emblem para makuha ang extra 10% physical damage mula sa items. Ito ay bilang paghahanda din sa extra late game na kinalahukan nila (tumagal ang laro ng 26 minutes), at sa binalak niyang hybrid build para sa kaniyang hero.

Kaiba ito sa tipikal na full offensive item build sa Bruno dahil bukod sa Wind of Nature, kumuha din ang gold laner ng Immortality para sa mas magandang survivability.

Credit: ONE Esports

Sapat ang Berserker’s Fury, Blade of Despair at Malefic Roar para paganahin ang kaniyang damage output, at sa pagdagdag ng Endless Battle ay pinalakas niya ang base stats ng Bruno para mas makatagal sa burst down ng kalabang team.

Item Build para sa Bruno ni Caderaa sa MPLI 2022

  • Endless Battles
  • Beserker’s Fury
  • Blade of Despair
  • Malefic Roar
  • Wind of Nature
  • Immortality

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang guides sa Mobile Legends.

BASAHIN: Kakaiba ang skills ni Joy, ang pinakabagong assassin sa Mobile Legends