Matapos manalo si Luminaire sa MPL ID Season 7 Grand Final bilang player ng EVOS Legends at bilang Finals MVP, wala nang pagdududang si Ihsan “Luminaire” Besarik na ang isa sa mga best players sa Mobile Legends pro scene ng Indonesia.

Habang siya’y nagdidiwang ng pagkapanalo sa MPL ID, palagi ding naghahangad si Luminaire ng championship. Tinuturing na isa sa mga best tank/support players sa liga, binuhat niya ang parehas na MPL ID Season 4 at M1 World Championship trophies bilang player ng EVOS Legends.

Panandaliang tumigil sa paglalaro si Luminaire sa MPL ID noong Season 6, at sa kaniyang pagbabalik sa full form noong Season 7, siya nama’y nagkaroon ng mataas na impact bilang damage support mage ng kaniyang team.

Ngunit kahit sa kaniyang pamamayagpag, nabanggit din ni Luminaire ang kaniyang pagkapagod o exhaustion na kaniyang naramdaman sa pagiging professional player lalung-lalo na sa walang tigil na trainings. Dumating sa puntong nag-paramdam siya ng posibilidad ng retirement matapos ang Season 7, pero kung titignan naman, maari pa ring masulyapan ang EVOS support na ito sa world stage.

Ito ang mga dahilan kung bakit hindi pa magreretire si Luminaire sa MPL ID or sa pagiging MLBB pro player:


Maaring maging captain ng EVOS Legends si Luminaire

Luminaire sa MPL ID
Luminaire sa MPL ID

Mas naging mahusay na pro player si Luminaire kumpara sa kaniyang huling appearance sa MPL noong Seasons 4 at 5. Naging mas mature ang EVOS support, at kapuna-punang puwedeng maging leader ng squad.

Kasulukuyang kapitan si Gustian “REKT”, ngunit si Luminaire ang nagpapakita na may qualities ng isang captain, lalung lalo na sa pagiging vocal in and out of the game.

Malapit na ring mag-expire ang player contract ni REKT, at may solidong pagkakataon si Luminaire upang maging susunod na captain. Mayroon siyang potential na maging franchise player na magwawagayway ng White Tiger banner para sa mga susunod na tao.


Credit: Moonton

Dahil mayroon na siyang MPL at M1 (World Championship) na tropeo, ang maaring susunod para kay Luminaire ay isang championship sa Mobile Legends Southeast Asia cup (MSC).

Bilang champions ng MPL ID S7, naka-secure na ng slot ang EVOS Legends sa inter-region tournament na mangyayari sa June, at ito ang magbibigay kay Luminaire ng oportunidad na magdagdag na naman ng championship sa kaniyang resume.

Isa pang potential na challenge para kay Luminaire ang M3. Matapos magkaroon ng experience kasama si REKT at Muhammed “Wann” Ridwan sa M1, ang EVOS Legends veteran ay may bitbit na kalamangan kung paano nila titignan ang tournament at ang grand final.

Dagdag pa dito, kung sila din ang mamamayagpag sa MPL ID S8, may pagkakataon din siya at kaniyang EVOS Legends crew sa pagkuha ng natatanging pangalawang world championship.


May potential si Luminaire na i-represent ang Indonesia sa SEA Games 2021

Hindi sikreto na si ang hindi pag-sama kay Luminaire sa SEA Games noong 2019 ay isa mga bagay na magsasabi isa siya sa mga na-overlook na players. Sa panahong ito, siya lang ang natatanging EVOS Legends player na hindi pinili para maglaro sa MLBB national team ng Indonesia.

Sapagkat ang 31st SEA Games ay mangyayari sa dulo ng taon, si Luminaire ay nararapat lamang na magpakita na kaniyang top form sa MSC at MPL ID Season 8 para maging tiyak ang kaniyang chances sa pag-represent sa Indonesia.