Lumipas na ang unang bahagi ng MPL ID Season 10 kung saan nanaig sa standings ang EVOS Legends na may limang panalo s apitong laro.
Nakabuntot sa White Tigers ang dalawa ring kasing-tikas na teams na ONIC Esports at Aura Fire na may kaparehong win-loss kartada ngunit humahabol sa game rate.
Nakuha man ng tatlong koponan na ito ang top spots sa regular season sa first half ng season, Alter Ego ang numero uno pagdating sa total kills. Bagamat pang-apat lamang sa standings ay hindi maitatanggi ang pukpukan ang karamihan sa bakbakang kinatampukan ng koponan.
Nagtala sina Celiboy at ang kaniyang team ng sandamukal na 248 kills sa pitong serye (19 na laro). Kung ito ang pagbabasihan sa pinaka-mabangis at agresibong team sa MPL ID Season 10, siguradong Alter Ego ang karapat-dapat sa ngalang ito.
Alter Ego nangingibabaw sa Kills Per Game sa first half ng MPL ID Season 10
Heto ang suma-total ng average kill per game ng lahat ng teams sa unang bahagi ng season:
TEAM | TOTAL KILLS | GAMES | KPG AVERAGE | |
1 | Alter Ego | 248 | 19 | 13,05 |
2 | Aura Fire | 246 | 19 | 12.94 |
3 | ONIC Esports | 200 | 18 | 11.11 |
4 | Geek Fam | 175 | 17 | 10.29 |
5 | EVOS | 171 | 16 | 10.68 |
6 | RRQ Hoshi | 170 | 17 | 10.00 |
7 | Rebellion | 166 | 16 | 10.37 |
8 | Bigetron | 158 | 18 | 8.77 |
Sa gitna ng objective-centric galawan sa high-level play ngayon, kakaiba ang luto ng Alter Ego sa kanilang mga laro kung saan mataas madalas ang bilang gn skills. Ibig lamang sabihin nito ay mas agresibo ang kanilang playstyle lalo na sa early game.
Mababalikan kung paano nila pinagulong sa kangkungan ang Geek Fam sa 16-6 at 19-6 kill score sa kanilang unang serye ngayong MPL ID Season 10.
Madali ring makita kung bakit ganoon na lamang ang bangis ng tinaguriang “dark horse” ngayong season. Bawat manlalaro kasi sa roster ngayon ay kaniya-kaniya ang ambag sa pagkuha ng kills para sa team.
NAME | TOTAL KILLS | GAMES | KPG AVERAGE | |
1. | Udil | 60 | 19 | 3.15 |
2. | Celiboy | 54 | 14 | 3.85 |
3. | Nino | 52 | 19 | 2.73 |
4. | Pai | 30 | 19 | 1.57 |
5. | Leomurphy | 27 | 19 | 1.42 |
6. | Kidsz | 25 | 5 | 5.00 |
Bagamat hindi karugtong ng bilang ng kills ang tagumpay ng isang team sa laro, maganda itong indikasyon sa istilo na ipinapagulong nila na talagang bukod-tangi kumpara sa ibang mga koponan sa liga. Ito rin ang dahilan kung kaya’t angkop na angkop na tawagin ang team ng palayaw nila ngayon.
Patuloy na gumugulong ang MPL ID Season 10 kung saan masasaksihan ng mga miron kung maisasalin ba ng Alter Ego ang agresyong ito sa panalo para makaakyat sa rankings.
Pagsasalin ito sa sulat ni Gunawan Widyantara ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Pamatay ang 3 hero picks na ito sa unang bahagi ng MPL PH Season 10