Nagbigay ng komento si Aura Fire jungler Jehuda Jordan “High” Sumual sa opinyon ng ilang fans na hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang ONE Esports MPLI Invitational 2022. Ito ang ipinagpalagay nila matapos padapain ng Geek Fam ID ang three-time MLP Philippines champion sa quarterfinals.
Kung titignan kasi sa papel, bilang MPL PH Season 10 winners at defending M Series champions, talaga namang paboritong magwagi ang Blacklist hindi lang sa laban nila sa Geek Fam kundi sa buong MPLI 2022 na rin.
Sa kabilang banda ng naman koponan ni Pinoy roamer Allen “Baloyskie” Baloy ay nagtapos sa panghuling puwesto sa MPL Indonesia Season 10. Pero ipinakita nila na kaya nilang manalo.
Malakas lang daw talaga ang Geek Fam ID, ani ni High
Habang nire-restream ang MPLI 2022, sinubukan ni High na sagutin ang tanong mula kay dating EVOS Legends player Eko “Oura” Julianto patungkol sa gameplay ng Blacklist International kapag nakakalaban ng Aura Fire ang MPL PH champs sa scrim.
Noong una ay tumangging magkomento si High pero sa huli ay nagbigay siya ng opinyon sa pamamagitan ng pagkumpara sa nakita niyang gameplay ng Blacklist sa serye kontra Geek Fam ID.
“Di scrim, Blacklist itu kuat banget dan cara mainnya itu GB (game boosting) gold lane, bukan rusuh jungle. Sementara tadi mereka main rusuh jungle, udah itu mati juga,” sabi niya.
(Sa scrim, sobrang lakas talaga ng Blacklist at ang ginagawa nila ay game boosting sa kanilang gold lane at hindi pangsuguran na jungle hero. Kapag naglalaro sila ng ganitong klase ng jungle, madalas din silang namamatay.)
“Pokoknya Blacklist itu cara mainnya GB gold lane dan jungler-nya dikasih hero kuat (tebal). Sudah pegang dua buff, rotasi bareng,” dagdag pa niya.
(Ayun nga, ang paraan ng Blacklist ay palakasin ang gold lane at ang jungler nila ay makunat. Hawak nito ang dalawang buffs at nagro-rotate nang magkakasama.)
Sinabi rin ni High na napaka-exciting ng naganap na laban sa pagitan ng Geek Fam at Blacklist at karapat-dapat lang na nanalo ang Indonesian squad dahil sa kanilang malakas na pakikipag-team fight.
“Apakah Blacklist fokus M4? Saya tidak tahu sih guys. Tetapi Geek Fam menang karena mereka benar-benar kuat,” wika niya. “Walaupun saya lihat gameplay Blacklist tadi berbeda, tetapi team fight (kedua tim) tetap kuat dan Geek bisa menang. Team fight-nya Geek lebih keren sih tadi.”
(Nakapokus ba ang Blacklist sa M4? ‘Di ko alam guys, pero nanalo ang Geek Fam dahil talagang malakas sila. Kahit pa nakita ko na iba ang gameplay ng Blacklist, mabisa pa rin ang team fight nila pero nanalo ang Geek dahil mas swabe ang kanila.)
Para sa mga balita at guides patungkol sa Mobile Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.
BASAHIN: Ito ang komento ni Tryke pagkaraang magapi ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022