Pagkagulong ng MLBB Patch 1.6.84, isa ang Lolita sa heroes na may pinakamataas na winrate na kasulukuyang may 56.39% winrate ayon sa pinakahuling datos mula sa Mobile Legends Stats. Maganda kasi ang ibinibigay ng tank hero sa kahit anong komposisyon.

Sa opensa, maganda ang setup capability ng hero gamit ang Noumenon Blast ultimate na magpapagulong ng teamfights sa pabor ng team. Samantala, sulit ang maiiambag ng tank dahil sa kaniyang shield gayundin ang kaniyang HP lalo na kapag nabuuan ng tamang items.

Gayunpaman, katulad ng lahat ng karakter sa Land of Dawn, may heroes din pangontra din sa Lolita. Epektibo ang counterpicks na ito para putulin ang impact na kayang ibigay ng hero.


Hero picks na maaaring pangontra sa Lolita

Chou

Credit: Moonton

Pangunahing pangontra sa Lolita ang Chou dahil mailap at maganda ang mobility ng hero. Partikular na nakakabwisit para sa mga Lolita users ang knock up effect ng Jeet Kune Do na maaaring mag-trigger agad ng shield. Kaya din nitong kanselahin ang Noumenon Blast bago ito maipukol ng hero.

Ngunit hindi lamang sa hero kit ang dahilan kung bakit pangontra sa Lolita ang Chou. Sa gameplay mismo, pabor ang laban sa fighter. 

Trabaho ng Lolita users na protektahan ang squishy heroes sa backlines ng team, ngunit dahil sa mobility ng Chou, ay hirap ito magawa ng tank. Gawain ng mga mahuhusay na tank Chou users ang pagpili ng squishy heroes sa backlines na gagamitan nila ng Flicker + Way of the Dragon combo papunta sa kakamping damage dealers.

Kapag nagawa ito ng Chou ay mawawalan ng saysay ang defensive capabilities ng Lolita.


Khufra

Credit: Moonton

Gaya ng Chou, kaya din ng Khufra na kontrahin ang shield ng Lolita gamit naman ang Tyrant’s Revenge skill. Maaari ding gamitin ito ng hero para i-setup ng mabilis ang kalabang squishy heroes gamit naman ang Tyrant’s Revenge. Kapag nagawa ito ng Khufra ay wala na ring kuwenta ang Lolita.

Mabisa ring pangontra sa Lolita ang Khufra dahil sa kapabildad nitong i-trigger ang shield ng kalabang tank, at bawasan ang kapasidad nitong protektahan ang backlines. 


Grock

Credit: Moonton

Kung dati ay hindi uubra ang Grock sa Lolita dahil kayang salagin ng hero ang Power of Nature skill, hindi na ito totoo matapos ang pagbabagong ibinigay sa Fortress Titan noong MLBB patch 1.6.66.

Mistulang nabaliktad na ang tadhana dahil ngayon, ang Grock ay isa na sa pangontra sa Lolita. Simple lang ang rason kung bakit. Madali na kasing maabot ng Grock ang backlines kaya hindi na magiging epektibo ang shielding capability ng Lolita.

Bukod dito, maaari ring maiwasan ng Grock ang crowd control ng kalabang hero kung malapit siya sa walls, kaya naman kahit anong gawin ng Lolita user ay hindi niya mapipigilan ang pagpasok ng Grock sa kalabang mage o marksman.

Para sa MLBB Guides, sundan lamang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MLBB hero na walang ulti? Alamin kung anu-ano at paano gumagana ang skills ni Julian