Isa ang Beatrix sa pinakagamit na marksman sa Mobile Legends: Bang Bang. Bagamat mas komplikado ang kaniyang skillset kung ikukumpara sa ibang heroes sa kaniyang hanay, isa ang Dawnbreak Soldier sa pinakamabangis na karakter kung makakabisado ng isang player.

Ngayong patuloy na tumataas ang skill level ng mga manlalaro ay talamak ang pagsalang ng Beatrix, mapa-ranked game man o competitive play. Ang magilas na user kasi neto ay mahirap mapugo sa laning phase, at kung makakakuha ito ng kaniyang key items ay pambihira ang kayang gawin nito para sa komposisyon.

Credit: Moonton

Kaya naman, minarapat ng ONE Esports na suriin kung ano ba ang mga heroes na maaaring pangontra sa marksman. Heto ang 3 heroes na natagpuan naming na pinakamabisa.


3 pinakamabisang counter heroes sa Beatrix

Natalia

Credit: Moonton

May reputasyon ang Natalia bilang isa sa mga pangontra sa mga malalambot na heroes sa Land of Dawn. Hindi liban dito ang Beatrix.

Una, napakataas kasi ng mobility ng assassin kung kaya’t kaya nitong lumusot kontra sa Renner at Bennett.

Ang simpleng paggamit ng Claw Dash at Hunt ay sapat para matunaw ang marksman. At kung hindi mabibigyan ng oras o pagkakataon ang Beatrix na maka-react, partikular na sa early game, siguradong delubyo ang magiging buhay niya sa kabuuan ng laro.


Clint

Credit: Moonton

Kung hindi para sayo ang assassin heroes, maaaari ka namang gumamit ng marksman na panapat sa Beatrix sa lane. Kahit pa hindi kasing bilis gumalaw ng Natalia, sandamukal na physical damage ang kaya niyang ipataw lalo na sa early game.

Mabisa ang Quick Draw para sa pokes sa lane, at kung mapapatama ang Grenade Bombardment ay malaki ang tiyansang sa base na muli matataguan ng Beatrix user ang kaniyang sarili.Totoo. Mabisa rin ang paggamit ng mobile marksmen tulad ng Wanwan at Karrie kontra sa Bea, pero dahil sa high early game damage, mapupuwersa ang Beatrix na yakapin ang tore kaysa makipagsabayan sa Clint.


Lancelot

Credit: Moonton

Isa ang Lancelot sa mga assassin sa laro na may karga ng sapat na damage at skill kit na puwedeng makaiwas sa matinding damage ng Beatrix ultimates.

Kaya ng magilas na Lance user na malusutan ang karamihan ng offensive skills ng Dawnbreak Soldier. Kaya ng Thorned Rose o Phantom Execution na makagawa ng espasyo para makawala mula sa Bennett’s Rage, Nibiru’s Passion at Renner’s Apathy kung kaya’t pagdating sa 1v1 situation ay sigurado ang panalo para sa Lancelot user.

Sa tingin mo, ano pang heroes ang maaaaring gamitin bilang Beatrix counter?

I-komento ang mga ito sa Facebook post ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Jungler hero options mas pinarami dahil sa pinakahuling MLBB patch 1.7.32