Isang bagay lang ang kelangan mong baguhin sa iyong in-game settings upang magamit ang Hero Lock Mode at mas mapaganda ang iyong Mobile Legends: Bang Bang experience.
Ang Hero Lock Mode ay isang mahalagang feature sa game na tumutulong sa isang player na mag-lock sa kalapit na kalabang hero. Kung naka-lock ka sa isang kalapit na kalabang hero, ang lahat nang iyong auto attacks at skills ay didirekta sa hero na ‘yon, hanggang sa mamatay ito o magpalit ka ng target.
Mas mapapadali nito ang iyong paglalaro dahil hindi mo na kelangang mano-manong itutok ang iyong skills, lalo na sa kalagitnaan ng team fights kung saan maraming kalaban ang nakapalibot sa iyo.
Kung kaka-install mo pa lang ng Mobile Legends, ang feature na ito ay naka-off. Ang guide na ito ang magtuturo sa iyo ng lahat nang kelangan mong malaman tungkol sa feature na ito, kabilang ang kung paano ito i-activate pati na rin ang iba pang features na pwede mong subukan sa game.
Paano i-on ang Hero Lock Mode feature sa game
Mabilis at madali lang i-on ang setting na ito sa Mobile Legends. Sundan ang mga sumusunod na hakbang kung nasa home screen ka:
- I-click ang gear icon sa upper right area ng screen.
- Magpunta sa Controls
- Sa controls tab, mag-scroll hanggang makita ang advanced control mode setting.
- Pindutin ang ‘ON’ sa tabi ng Hero Lock Mode.
- Maaari mong i-click ang question mark logo sa bandang kanan ng button upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ‘to.
Iba pang settings na katulad ng Hero Lock Mode feature
Ang Skill Smart Targeting at Basic Attack Smart Targeting ay mga setting na maaari ring i-activate ng mga players, at magbibigay ito ng paraan upang ma-target ang particular na hero o creeps.
SETTING | DESCRIPTION |
Skill Smart Targeting | I-tap ang skill icon at i-drag sa target na nais mong puntiryahin. |
Basic Attack Smart Targeting | I-tap ang basic attack icon at i-drag sa target na nais mong puntiryahin. |
Nirerekomenda namin na i-on ang tatlong settings upang mas ma-improve ang iyong gameplay.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.