Sa mabilis na pagsusuri sa mga nakaraang metaplay, hindi kabilang ang Estes sa nanguna sa hero tier list. Hindi ito dahil walang impact o mahina ang karakter sa laro, kundi dahil piling players at piling komposisyon lamang ang nakakapagpagana ng stategy na sentro ang support hero.

At sa mga pagkakataong mamaniobra ito ng tama, mamamangha ang sinuman sa kaya nitong idulot sa loob ng laro.

Credit: Moonton

Maaari na lamang pagmasdan ang nagawa at patuloy na ginagawa ng Blacklist International sa mga kumpetisyong nakalahukan nila sa nakalipas na dalawang taon. 

Sa kamay ng pinakamagaling na Estes user sa mundo na si Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna, nagawa ng koponan ng Tier One na makuha ang tatlong MPL PH titles, isang M World Series title, isang SEA Games gold medal at marami pang iba.

Credit: ONE Esports

Ngunit para tunay na makamit ang potensyal ng support ay kinakailangan nitong mabalanse ng tamang komposisyon, partikular na sa jungler role na siyang bubuhay sa macro play ng lineup. Pero sinong jungler heroes nga ba ang swabeng katambal ng Estes?

Sa usaping ito, si Danerie “Wise” Del Rosario ang makapagbibigay ng ekspertong sagot.


Wise inilahad ang best hero combos sa Estes

Credit: ONE Esports

Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Wise para alamin kung sinong heroes ang pinakamagandang itambal sa Estes partikular na sa jungler role. Mababalikan na simula pa noong nasa ONIC Philippines ang batikang jungler ay pamoso na ang tambalan nil ani OhMyV33NUS hawak ang paborito niyang Estes.

Baon ito ng V33Wise hanggang sa M4 World Championship kung saan patuloy nilang binagabag ng mga koponang nakatapat dahil sa pambihirang UBE strat.

Credit: ONE Esports

 “Lahat naman ng heroes ko maganda yung combo sa Estes. Pero kung magpapangalan ako ng tatlo, yung mga heroes ko talaga na palaging ginagamit tulad ng Fredrinn, Barats at Baxia,” tugon niya na isinalin mula ingles.

Ang tank junglers na ito ay sentro din para mapagana ng Blacklist ang kanilang dekalibreng atake. Tipikal na pinaparisan ito ni Wise ng Demon Slayer jungle emblem para sa mas mabilis na pagkuha ng buffs at objectives, at gayundin, mabisita ang kaniyang sidelanes para makalamang ang mga ito.

Credit: Moonton

Bagamat hindi na kasing-lakas ang kayang iambag sa late game ay sa puntong yaon nabigyan na ni Wise ng oras ang kaniyang main damage dealers na sina Salic “Hadji” Imam (midlane) at Kiel Calvin “OHEB” Soriano (gold lane) para makakuha ng mga mahahalaga nilang items.

Ano pa ba ang magandang iparis sa Estes?

I-komento ang inyong mga sagot sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: V33Wise kumpirmadong maglalaro para sa Blacklist ngayong MPL PH Season 11