Hindi lingid sa kaalaman ng mga sumusubaybay sa MPL Philippines ang istrikto at disiplinadong uri ng coaching na pinapagulong ni Brian “Coach Panda” Lim sa RSG Slate Philippines. Sa mga pagkakataong hindi maganda ang performance ng Raiders sa Season 11, walang palya ang 2-time MPL PH champion na ibahagi sa madla ang gagawin niyang pagpapanday sa team.

Credit: MPL Philippines

Sa kabila ng pandirikdik ng coach, batid ng bagong RSG jungler na si John “H2wo” Salonga kung gaano kahalaga ang Tough Love ng coach para madala sila sa rurok ng kanilang potensyal.


H2wo sa pamamaraan ni Coach Panda: ‘Nainspire ako lalo magbatak tiyaka maging masipag na player’

Sa panayam bago sumalang kontra sa numero-unong Bren Esports, sinagot ni H2wo ang tanong kung ano ang kaibahan ng coaching ng Hall of Legends member at kung paano ito naka-apekto sa kaniyang laro ngayong season.

Credit: MPL Philippines

Aniya, iniiwasan daw niyang ikumpara ang istilo ng mga nakasama niyang coaches dahil iba’t-iba ang pamamaraan nila sa paggabay ng team. Gayunpaman, kinilala ng bantog na pro player na malaki ang pagkakaiba sa ilalim ng tumamatayong ama ng RSG.

“Parang nilabas ako ni Coach Panda sa comfort zone ko,” kuwento ng sentro ng 4th ranked team ngayong MPL PH Season 11. Nainspire ako lalo magbatak tiyaka maging masipag na player kasi alam kong may nagagalit saken at may nagpupush saken kaya ayon”

Bagamat istrikto ang pamamahala ni Coach Panda, naiintindihan daw niya at ng kaniyang mga kasamahan na para sa kanila ang ginagawa ng RSG Coach.

Credit: ONE Esports/ MPL Philippines

Kasalukuyan pa ring nakabinbin ang playoff spot ng Raiders matapos magapi ng Bren sa Day 2 ng Week 7, ngunit inaasahan na sa mga susunod nilang serye ay magagawa na nilang mabuo ang 20 points na kinakailangan para maselyo ang playoff berth.

Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Si EDWARD daw ang tingin ni H2wo na karapat-dapat mahalal sa Hall of Legends